Pamu Pamorada nagpa-gender reveal sa magiging anak nila ni Mitchell Hapin: 'It's mini me!' | Bandera

Pamu Pamorada nagpa-gender reveal sa magiging anak nila ni Mitchell Hapin: ‘It’s mini me!’

Ervin Santiago |December 14,2022
facebook
share this

Pamu Pamorada nagpa-gender reveal sa magiging anak nila ni Mitchell Hapin: ‘It’s mini me!’

Ervin Santiago - December 14, 2022 - 11:09 AM

Pamu Pamorada nagpa-gender reveal sa magiging anak nila ni Mitchell Hapin: 'It's mini me!'

Mitchell Hapin at Pamu Pamorada

MATAPOS ibandera ang pagbubuntis last month, ibinahagi naman ng Kapamilya actress na si Pamu Pamorada ang gender ng magiging panganay niyang anak.

Sa pamamagitan ng isang gender reveal party, in-announce ni Pamu at ng kanyang non-showbiz fiancé na si Mitchell Hapin na baby girl ang ipinagbubuntis ng aktres.

Naganap ang gender announcement nitong nagdaang weekend na in-organize mismo ng  mga kaibigan at ginanap sa Mitchell’s Bar and Restaurant sa Cavite.

Dinaluhan ito ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan nina Pamu at Mitchell, kabilang na ang mga celebrities na sina Jerome Ponce, Alyssa Muhlach at Via Antonio, na nakasama ni Pamu sa Kapamilya series na “2 Good 2 Be True”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pamu Pamorada (@pamupamorada08)


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pamu ng ilang litrato na kuha sa naganap na gender reveal party.

Aniya sa caption, “It’s mini me.

“Hindi kuna iisa isahin pa thank you sa mga kaibigan ko na may pakana ng Gender reveal na ‘to. promise nag enjoy kami. At sa lahat ng nag punta maraming maraming salamat,” aniya pa.

Nag-congratulate naman kina Pamu at Mitchell ang ilan pang friends ng aktres sa showbiz tulad nina Loisa Andalio, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Baninay Bautista, Yubs Azarcon at Thou Reyes.

Nitong nagdaang September, ibinalita ng “2 Good 2 Be True” actress officially engaged na sila ng kanyang boyfriend. Nag-propose si Mitchell sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding sa Tagaytay City.

Unang nakilala si Pamu nang maging housemate sa “Pinoy Big Brother Unlimited” na umere noong 2011 kung saan tinawag siyang “The Kiti-Kiti Kid of Batangas”. Isa siya sa mga itinanghal na runner up habang si Slater Young ang nanalong big winner.

Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy…

Winwyn baby girl ang unang magiging anak; ayaw pa ring ipakita ang mukha ng dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Danica Sotto, Marc Pingris muling magkaka-baby boy; Bossing Vic may funny hired

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending