Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy... | Bandera

Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy…

Ervin Santiago |February 01,2022
facebook
share this

Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy…

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 11:06 AM

Angeline Quinto at Vice Ganda

SINORPRESA ng Phenemenal Box-office Star na si Vice Ganda ang kaibigang si Angeline Quinto ng isang bonggang gender reveal party para sa kanyang magiging panganay na anak.

Dito nga ibinandera ng Kapamilya singer-actress na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis at nakatakda nga siyang manganak ngayong March, 2022.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, in-announce ni Angge kahapon, Jan. 31 ang tungkol sa naganap na gender reveal party na inisponsor nga ni Vice.

“Sa wakas maisi-share ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender-reveal party niyo sa akin!

“Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!” aniya sa caption ng kanyang IG post.

Aniya, nangyari ang nasabing intimate party sa mansiyon ni Vice noong December, 2021 at limang buwan pa lamang ang ipinagdadalang-tao that time ni Angeline at wala pa siyang idea kung lalaki o babae ang kanyang magiging panganay.

Aniya, ang tanging nakakaalam lang daw ng gender ng baby ay ang handler niyang si Kate Valenzuela na siyang may hawak ng resulta ng ultrasound.

Sa YouTube vlog ni Vice sinabi ni Angeline na, “Ako, feeling ko…babae.” Tanong naman sa kanya ng TV host-comedian, “Dahil?”

“Wala, yun yung pakiramdam ko, e. Hindi, gusto ko kasi. Kasi gusto ko ngang ipangalan sa Mama Bob ko,” chika ni Angeline na ang tinutukoy ay ang kanyang adoptive mom na Sylvia Quinto na pumanaw noong November, 2020.

Halos lahat din ng mga bisita sa party ay nagsabing baby girl ang magiging anak ng singer at tanging ang personal manager niyang si Rain Wong ang sumagot ng baby boy.

Samantalang “LGBTQ+” naman ang hula ng kaibigan nina Vice at Angeline na si Olivia Zarate na nireplayan naman ng Unkabogable Star ng, “Tama ka!”

Hanggang sa binuksan na nga nina Vice at Angeline ang isang kahon na punumpuno ng mga asul na lobo na may nakasulat na, “It’s a boy!!!” Kaya naman napatili ang birit queen ng, “Lalakiiii!!!”

Reaksyon ni Angeline, “Masaya pa rin ako. Pero hindi ko ini-expect talaga na lalaki. Ang akala ko talaga babae.”

Sey naman ni Vice, “Sa ngayon pa lang iyan, boy. Yung nanay ko rin naman sa buong pag-aakala niya, lalaki. Napanindigan ba niya yung akala niya?” Na sinundan ng malakas na tawanan mula sa mga bisita nila.

Pero sa lahat ng naroon, ang pinakana-shock ay ang nanay ni Vice na si Rosario Viceral. Sa katunayan nga, habang nagdi-dinner pa lamang sila ay si Nanay Rosario ang unang chinika ni Angeline tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Nay, meron akong gustong sabihin sa iyo,” sey ng singer. Singit naman ni Vice habang tumatawa, “Yung boses mo, parang spiel sa concert.”

Pagpapatuloy ni Angeline, “Nay, gusto kong sabihin ito nu’ng nasa America pa tayo kaya lang lagi, di naman tayo nagkakasama nang matagal, e.

“Wala na rin ang Mama Bob ko, gusto kong i-share sa inyo yung napakaespesyal na regalo sa akin ni Lord. Dahil magkakaroon po kayo ng apo sa akin,” sey ng future mommy.

Natigilan naman si Mommy Rosario kaya ang sabi ni Vice, “Linawin mo…” saka humirit si Angeline ng,  “Siya po yung tatay.”

Kasunod nito, sumeryoso na ang singer, “Nay, magkakaroon na ako ng baby.” Sagot sa kanya ni Nanay Rosario, “Maniwala ako sa iyo.”

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Nay, panibagong miyembro ng Viceral,” pag-uli ni Angeline sabay singit ni Vice ng, “Buntis siya. Baka sa akin talaga iyan, ha. Nagtabi pa tayo sa Amerika.” Ang tinutukoy ng TV host ay ang concert tour nila sa US na “#VaxGanda2021” noong October, 2021.

Dagdag pang sabi ni Vice sa nanay niya, “Pero lilinawin namin, Nanay, siya lang nakabuo niyan, wala akong kinalaman diyan.”

Sa huling bahagi ng video, nagbiro pa si Vice Ganda ng, “Pero bago natin alamin kung lalaki o babae, alamin muna natin kung tao o hayop ang nabuo niya.”

Kasunod nito, nagbigay ng mga regalo at message ang mga bisita kay Angeline. Sabi ni Mommy Rosario, “Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala pero haping-happy ako kay Angge kasi para kong anak ito.

“I wish she will give me a chance na samahan ko siya sa kanyang journey. At sana maging malusog yung baby, masaya siya,” dagdag pa niya.

Mensahe naman ni Vice sa buntis na kaibigan, “Wala kang dapat ipangamba kasi you will be okay with us. We will make sure that you’re okay. You are so loved Angeline and si Bobby (ang tawag na agad ni Vice sa baby ni Angge).”

At bago pa nga matapos ang vlog ni Vice, may pahabol pa siyang paandar, “Ano ka ba, eto pa, merong special na magme-message sa iyo.”

Sey ni Angeline na halatang nagulat at na-excite, “Sino ba?” Sagot ni Vice, “Siyempre hindi naman puwedeng kami-kami lang. Siyempre kailangan…yung mga tao nagtatanong din, gusto rin nilang marinig yung mensahe nu’ng pinakamahalagang tao na kasama mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Vice, “Waiter…” na sinundan nga ng malakas na halakhakan.

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Vice Ganda: Pag tinawag mo akong ma’am o sir hindi ako mao-offend, non-binary ang gender ko

Jennylyn, Dennis isasabay na ang gender reveal ng ‘1st baby’ sa kanilang civil wedding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending