outbrain

Smokey Manaloto nasa GMA 7 na; may bonggang ganap sa ‘The Gift’

By Bandera December 12,2019
share this

Smokey Manaloto nasa GMA 7 na; may bonggang ganap sa ‘The Gift’

By Bandera December 12,2019
share this

PAGKATAPOS patawanin at paiyakin ni Baeby Baste ang Kapuso viewers sa GMA Telebabad series na The Gift, isa na namang bagong karakter ang makikilala n’yo this week.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng The Gift, asahang mas marami pang haharaping pagsubok si Sep (Alden Richards), na ginagampanan ni Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. At ngayong linggo nga, mapapanood na ang komedyanteng si Smokey Manaloto na gaganap bilang si Bradley, isang lalaking may koneksiyon kay Helga na ginagampanan naman ni Sophie Albert.

Ano ang magiging ganap ni Bradley sa buhay ni Sep? Kalaban ba siya o kakampi? At ano ang kinalaman niya sa buhay ni Helga?

Samantala, ngayong nakabalik na sa kanilang bahay si Jared (Martin del Rosario) ano naman ang susunod niyang gagawing kasamaan laban kay Sep para tuluyan na itong mawala sa landas niya? O, baka naman biglang magbago ang ihip ng hangin kapag nalaman niyang kapatid pala niya ang taong kinamumuhian niya?

At ngayong inaatake na ng selos at galit si Francine (Rochelle Pangilinan), traydurin nga kaya niya si Javier (Christian Vasquez) at tuluyan nang isumbong kay Nadia (Jean Garcia) ang totoo – na tunay na anak niya si Sep?

Napapanood pa rin ang The Gift mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad, sa direksyon ni LA Madridejos. Kasama pa rin dito sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, Divine Tetay, Betong Sumaya, Ysabel Ortega at marami pang iba.

Samantala, muling nagpasabog ng good vibes sina Alden at Jo Berry sa social media matapos kumalat ang kanilang kulitan sa sa isang behind-the-scenes video na kinunan set The Gift. Habang naghihintay si Alden para sa next take niya kasama sina Jo at Elizabeth Oropesa (bilang sina Nanay Straw at Lola Char), hindi napigilan ni Alden na pagtripan ang tsinelas ng bulinggit na aktres.

“Bakit wala ka ngang tsinelas?” pang-aasar ni Alden sa kanyang nanay-nanayan sa serye.

“Kinuha mo nga!” hirit naman ni Jo.

“Huwag kang magsinungaling sa camera. Nakikita tayo sa camera. Hindi ko kinuha tsinelas mo,” pahayag naman ng Pambansang Bae kaya tawanan ang production staff sa taping.
In fairness, talagang adik na adik na ngayon ang mga Kapuso viewers sa kuwento ng The Gift hindi lang dahil sa mga aral ng buhay napupulot dito kundi pati na rin sa palabang aktingan ng lahat ng members ng cast.
Comment nga ng isang netizen, “Ramdam na ramdam mo ang puso sa The Gift kaya kahit sa isang simpleng eksena lang mapapauha ka na. Ibang klase ang epekto ni Sep pati na ng iba pang artista na kasama niya sa viewers. Parang pagkatapos mong manood ng The Gift, gusto mo nang magpakabait, gusto mong tumulong nang tumulong sa iyong kapwa.”
Sey naman ng isa pang viewer, “Ang galing galing ni Alden bilang si Sep. Talagang manunuot sa laman mo ang akting niya. Parang gusto mo siyang makasama lagi dahil ang bait bait niya. Sana mas tumagal pa ang The Gift. Kudos to everybody involved sa production.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending