Moira in-unfollow na si Jason sa Instagram; Ruffa 'heartbroken' sa paghihiwalay ng kanyang favorite couple | Bandera

Moira in-unfollow na si Jason sa Instagram; Ruffa ‘heartbroken’ sa paghihiwalay ng kanyang favorite couple

Ervin Santiago |June 02,2022
facebook
share this

Moira in-unfollow na si Jason sa Instagram; Ruffa ‘heartbroken’ sa paghihiwalay ng kanyang favorite couple

Ervin Santiago - June 02, 2022 - 06:54 AM

Ruffa Gutierrez, Jason Hernandez at Moira dela Torre

APEKTADO rin ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Bukod sa mga tagasuporta ng Kapamilya singer-songwriter, maraming celebrities din ang nalungkot at nanghinayang sa nawasak na pagsasama ng mag-asawa.

Ikinabigla talaga ng madlang pipol ang biglang paghihiwalay ng married couple na kinumpirma nga ni Jason sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Dito, inamin niyang naging unfaithful siya kay Moira na naging dahilan kung bakit tinapos na nila ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Ruffa na talagang ikinalungkot niya ang breakup ng kanyang “favorite couple.”

“Heartbroken for one of my favorite couples,” ang tweet ng aktres at TV host.

Samantala, in-unfollow na rin ni Moira si Jason sa Instagram matapos nga itong mag-issue ng official statement about their controversial breakup.

Burado na rin ang mga litrato nila ng estranged husband sa IG. Bago ito, nag-post din ang Kapamilya singer-songwriter ng black photo sa kanyang IG Stories na tila namatayan.

At kasunod nga nito, ipinost na ni Moira sa IG ang screenshot ng announcement ni Jason about their separation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


Deleted na rin sa IG page ni Jason ang mga litrato nila ni Moira together pero pina-follow pa rin nito ang nakahiwalay na asawa sa IG.

Bago pa man umamin ang mag-asawa na break na sila, usap-usapan na ang isyu ng hiwalayan dahil sa mga cryptic posts ni Moira sa social media. Ngunit dinenay naman ito noon ni Jason sa pamamagitan ng isang Twitter post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang dalawa noong January, 2019.

Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending