Mag-amang Ka Freddie, Meagan Aguilar nagkaayos na: 'Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko, I love you po!' | Bandera

Mag-amang Ka Freddie, Meagan Aguilar nagkaayos na: ‘Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko, I love you po!’

Reggee Bonoan |November 22,2023
facebook
share this

Mag-amang Ka Freddie, Meagan Aguilar nagkaayos na: ‘Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko, I love you po!’

Reggee Bonoan - November 22, 2023 - 08:54 AM

Mag-amang Ka Freddie, Meagan Aguilar nagkaayos na: 'Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko, I love you po!'

Freddie Aguilar at Meagan Aguilar kasama ang mga anak

FINALLY, nagkabati na ang mag-amang Freddie Aguilar at Meagan Aguilar kaya naman sobrang saya ng huli dahil nakita at muli niyang nayakap ang mga anak.

Sa bahay kasi ni Ka Freddie pansamantalang naninirahan ang mga anak ni Meagan.

Nobyembre 19 ipinost ni Meagan sa kanyang Facebook account ang mga larawan nilang mag-iina kasama ang amang si Ka Freddie habang nakasakay sa sasakyan.

Ang caption ni Meagan, “We love you tay!!! (three heart emojis).”

Mahigit sa 200 ang nag-like at nag-heart sa post na ito ng singer-actress. Base sa mga komentong nabasa namin ay masayaang lahat sa pagbabati ng mag-ama at muli silang magkakasama.

Baka Bet Mo: Regine, Ogie 2 weeks hindi nayakap, nahalikan si Nate; hinikayat ang mga Pinoy na magpabakuna

Sagot ni Meagan sa mga natuwa for her, “When God moves mountains. AMEN AND AMEN.”

Parehong nakangiti ang mag-ama sa larawang ipinost ni Meagan.


Aniya, “Sa wakas nayakap ko na ulit ang Tatay ko. I love you po ‘tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin. I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always.”

Baka Bet Mo: Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world

Mahigit 1,000 naman ang nag-heart at nagkagusto sa post na ito ng anak ni Ka Freddie at 140 comments na nagsabing, “You are finally home” at “sending love to the whole family” at marami pang iba na natutuwa sa pagbabati ng mag-ama.

Ginawa pang profile picture ni Meagan sa kanyang social media account ang larawang kasama ang dalawang anak, “My beautiful daughters are babies no more, awww, love you mga anak ko!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May pagbabago na sa itsura ni Meagan ngayon dahil nagkalaman na siya kumpara noong humpak ang magkabilang pisngi at malalim ang mga mata na kabaligtaran ngayon dahil  halatang nakapagpahinga ng husto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending