Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world | Bandera

Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world

Therese Arceo |June 08,2023
facebook
share this

Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world

Therese Arceo - June 08, 2023 - 06:53 PM

Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world
SABI nga nila, kung ano raw ang puno ay siya rin ang bunga. At ngayong buwan ng mga dakilang haligi ng tahanan, narito ang listahan ng mga mag-amang parehas na pinasok ang mundo ng pag-aartista.

Vic Sotto at Oyo Boy Sotto


Si Oyo Sotto ang eldest son ni Bossing Vic at Dina Bonnevie. Maagang pinasok ni Oyo ang mundo ng showbiz nang maging parte ito ng fantasy situational comedy series na “Okay Ka, Fairy Ko’ na pinagbibidahan ng ama.

 

Jomari Yllana at Andre Yllana


Si Andre Yllana ay anak ni Jomari Yllana sa aktres na si Aiko Melendez.

Sa ngayon ay mapapanood ito sa pelikulang “The Rain in España” na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

 

Cesar Montano at Diego Loyzaga


Isang proud daddy si Cesar Montano sa kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga na bago pasukin ang showbiz noong 2011 ay nanirahan ito sa Australia

Ngayon lang ay inamin nito na isa na rin siyang ganap na ama ngunit hindi pa nito ipinakita sa publiko ang itsura ng anak.

Piolo Pascual at Iñigo Pascual


Namana ni Iñigo Pascual sa kanyang amang si Piolo Pascual ang looks at talento nito sa pagkanta.

Nakilala ito sa hit single na “Dahil Sayo” noong 2016.

Rommel Padilla at Daniel Padilla

Sino nga ba ang hindi makakakilala kay Daniel Padilla, anak ni Rommel Padilla at Karla Estrada.

Isa ang binata sa mga tinitingalang aktor sa industriya. Nagsimula ito sa youth-oriented show na “Growing Up”.

Baka Bet Mo: LIST: Cutest bonding moments ng celebrity dads at daughters

Boom Labrusca at Tony Labrusca


Nagsimulang sumunod si Tony sa yapak ng kanyang amang si Boom Labrusca nang sumali ito sa Kapamilya singing competition na “Pinoy BoyBabd Superstar”.

Sa pamamagitan rin ng show niya unang nakita nang personal ang ama.

Edu Manzano at Luis Manzano


May hindi ba nakakakilala sa pogi at funny TV host-actor na si Luis Manzano na anak nina Edu Manzano at Vilma Santos.

Sa ngayon ay kasal na ito sa aktres na si Jessy Mendiola at may anak na rin silang si Baby Peanut.

Joey de Leon at Keempee de Leon


Isa ang anak ni Joey de Leon na si Keempee sa mga sumunod sa kanyang yapak at sumabak rin sa mundo ng showbiz.

Si Keempee ay anak ni Joey sa kanyang unang asawa na si Daria Ramirez.

Eddie Gutierrez, Raymond at Richard Gutierrez


Tulad ni Oyo Boy, maaga ring pinasok ng kambal na sina Richard at Raymond ang mundo ng showbiz. Noong 1988 ay bumida ang dalawa sa pelikulang “Kambal Tuko” kung saan kasama nila ang amang si Eddie Gutierrez at ang yumaong si Susan Roces.

Zoren Legaspi at Mavy Legaspi


Unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa industriya ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi. May kambal rin ito na nasa showbiz industry na si Cassy Legaspi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Haligi ng tahanan: Mga amang pinatatag ng pandemya

Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending