Haligi ng tahanan: Mga amang pinatatag ng pandemya | Bandera

Haligi ng tahanan: Mga amang pinatatag ng pandemya

INQUIRER.net BrandRoom - June 18, 2021 - 06:35 PM

Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng isang ama para sa kanyang pamilya. Kung ang mga ina ay ang ilaw ng tahanan, ang mga ama naman, bilang haligi ng tahanan, ay katuwang sa paghubog ng ugali, pagdidisiplina, at pagprotekta sa kanilang mga anak. Sila ang kadalasang nagtataguyod at nagsusumikap upang buhayin ang buong pamilya. Ngunit sa kasalukuyang pandemya at hirap ng buhay na ating hinaharap, kamusta na nga ba si Papa?

Hindi maipagkakaila na ang pandemya ay nagdulot ng pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino. Sa ganitong sitwasyon na hindi napaghandaan ng kahit sino, isa sa pinakaapektado rito ang mga amang  nagtataguyod sa kanilang mga pamilya. Maaaring isipin nila kung “saan kaya ako kukuha ng pangkain namin”? O ‘di kaya napanghinaan na sila ng loob dahil sa kawalan ng trabaho.  Kalaunan, ang mga isiping ito ay nagreresulta sa stress, pagkakasakit, o panghihina—hindi lang sa aspetong pisikal kundi pati na rin sa kalusugang mental at emosyonal.

Malalim man ang epekto ng pandemya, may mga magigiting na ama na hindi nagpatalo sa mga hamon at pagbabago. Maaring napanghinaan sila ng loob, ngunit hindi sila tumigil gampanan ang pagiging tatay upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Kilalanin natin ang  tatlong mukha ng mga amang hindi sumuko, bagkus patuloy na bumangon para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Ama Haligi ng Tahanan

Si Tatay Martin, 49 anyos, ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang mensahero ng isang kumpanya sa Makati. Siya ay may tatlong anak na kasalukuyang nasa high school. Noon, katuwang niya sa gastusin ang kanyang asawa na namamasukan bilang labandera. Ngunit dahil sa pandemya, nawalan ito ng mga tanggap na labahin, kaya si Tatay Martin na lang mismo ang mag-isang dumidiskarte upang itaguyod ang pang araw-araw nilang gastusin. Sa ngayon, doble kayod si Tatay Martin dahil pagkatapos ng kanyang obligasyon bilang mensahero, tumutulong siya sa opisina, depende sa iuutos sa kanya ng mga empleyado. Siya na rin ang naglilinis ng buong opisina para may kaunting overtime at dagdag na kita.

Ang 30 anyos na si Tatay Rob naman ay may solong anak na nasa elementarya. Siya ang tumutulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya at mga magulang. Dating namamasukan bilang DJ sa mga bar si Tatay Rob, ngunit siya ay kabilang sa mga nawalan ng trabaho noong nagsimula ang pandemya. Imbis na magmukmok, agad siyang bumangon at nagtayo ng eatery sa kanila upang pagkakitaan. At maliban dito, suma-sideline din siya bilang isang food delivery rider.

Ama Haligi ng Tahanan

Single father naman ang 34 anyos na si Tatay Christian na may isang 12 years old na anak na kasalukuyang nag-aaral. Mag-isa niyang pinalaki ito simula nang ito ay ipinanganak. Si Tatay Christian ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng sasakyan sa Maynila upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak. Dahil na rin pandemya, humina ang tanggap ng gawa sa kanyang pinagtatrabahuhan na talyer. Ngunit dahil marunong siyang magkumpuni ng sasakyan at tunay na madiskarte,  ginamit ni Tatay Christian ang kanyang social media account para ialok ang kanyang serbisyo bilang mekaniko para sa dagdag na kita sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.  Para lalong makatipid sa gastusin, naninirahan silang mag-ama sa kanyang butihing ina kasama ang kanyang mga kapatid.

Tanggapin man ng karamihan o hindi, ang pandemya ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. Kaya naman napakahalagang pagtuunan ng pansin ang pangkalusugang pisikal, mental at emosyonal lalo na sa mga amang pundasyon ng kanilang tahanan. Kaya naman ang Globe ay patuloy na nagbibigay malasakit at nananatiling kaakibat ng bawat Pilipinong dumadaan sa makabagong hamon bunsod ng pandemya, ano man ang kanilang estado sa buhay.  Sinusuportahan nito ang mga haligi ng tahanan na hindi natitinag, kaya’t may mga serbisyo ito na handang tumulong sa kanila, katulad ng HealthNow at KonsultaMD.

Ipadama mo ang halaga ni Papa ngayon Araw ng mga Ama. Kamustahin mo siya at ituro sa kanya ang mga paraan kung paano gumamit ng KonsultaMD at HealthNow na maaasahan sa pagbibigay ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal.

Para sa KonsultaMD, tumawag lamang sa 79880 para sa mga Globe o TM users, o kaya naman ay sa 77988000 Globe landline upang makausap ang mga propesyonal na doctor na mabibigay ang suportang kailangan ng ating mga ama.

Para sa kalusugang mental, maaaring tumawag sa HealthNow. I-download lamang ang HealthNow app. Libre ang pagtawag para sa mga Globe at TM subscribers. I-click lamang ang Urgent Help button sa welcome page ng HealthNow.

Ngayong Araw ng mga Ama, sama-sama tayong sumaludo sa kanilang tibay at tatag upang itaguyod ang Pamilyang Pilipino anuman ang hirap ng buhay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending