Netizens napa-'sana all' sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang 'Love you bhabe ko!' | Bandera

Netizens napa-‘sana all’ sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang ‘Love you bhabe ko!’

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

Netizens napa-‘sana all’ sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang ‘Love you bhabe ko!’

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 02:33 PM

Jovie Albao at Freddie Aguilar

NAPA-SANA All na lang ang mga netizens nang bumandera sa social media ang bagong litrato ng OPM legend na si Freddie Aguilar kasama ang kanyang asawang si Jovie Albao.

Pinusuan at ni-like ng libu-libong Facebook users ang ipinost ng photo ni Ka Freddie sa kanyang FB account kung saan makikita ang pagde-date nila ng batambata niyang misis.

Kuha ang nasabing litrato sa isang restaurant sa isang mall sa Quezon City noon pang May 14 pero ngayon lang ito pinag-usapan ng madlang pipol dahil nga sa dami ng nag-react at nag-comment.

Kinilig ang mga netizens at napa-hashtag #SanaAll pa ang mga ito nang mabasa ang inilagay na caption ni Ka Freddie sa litrato nila ni Jovie.

“Lunch date kami ni bhabe kanina lang sa Italiannis UP Town Center. Love you bhabe ko,” ang mensahe  ni Freddie.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa kanyang FB followers.

“Stay in-love Ka Freddie Aguilar at gawa ka ulit ng mga kantang makabayan at kantang mapagmahal.”

“Lodi Freddie Aguilar your my ido…mula elementary ako yong nakakaintindi na ako ng mga ibig sabihin ng laman ng mga kinakanta mo doon po nagsimula na nagustohan ko ang mga awitin m po at mapa sa hanggang ngayon po ay patoloy ko po na kinakanta ang iyong mga awitin. Lalo na po mag busking ako sa mall at saan man ako kakanta lagi ko kinakanta mga songs mo po napaka ganda… godbless po sayo idol..lagi ka pong mag iingat sa lahat ng oras.”

“Grabe lodi tlga kta since birth sir freddie aguilar!! Lahat ng kanta mo kabisado ko!! Stay in love wit each other God bless.”

“Because of this? I’ve got a CLEAR  VISION, STRONG MISSION, UNWAVERING FAITH, STUPENDOUS GOALS AND GENUINE PURPOSE in LIFE! Thanks Sir Freddie.”

“Nice ka Freddie Aguilar i love your all song lalo nat mula ng pinanganak panganay ko
Tagos sa puso ang ANAK.”

“Love you babe he he.  Goodnight kuya from Singapore to Philippines.  sweet couple.”

“Take care kuya. injoy lang po Ang Oras natin habang malakas pa Tayo. Tama po Yan pra mas humaba pa Ang buhay natin kalakip din ng song natin ay pag injoy Kasama Ang mahal sa buhay.maliban sa tulad kong nag iisa kuya .God bless u.”

Matatandaang nagpakasal noong 2013 sina Ka Freddie at Jovie sa pamamagitan ng isang Muslim wedding sa Buluan, Maguindanao.

Inulan ng kritisismo ang kanilang pagpapakasal dahil nga menor de edad pa (16 years old) si Jovie nu’ng panahong iyon habang 60 naman ang OPM icon.

Sinabi naman ni Jovie sa isang interview na hindi siya pinilit na magpakasal kay Freddie, “Siyempre masaya ko, kasi hindi naman nabubuhay para sa ibang tao.

“Nabubuhay kami para sa sarili namin. ‘Yung ginagawa namin dahil gusto namin ‘to, mahal namin ang isa’t-isa at pinapatunayan lang namin ang pagmamahal namin,” aniya pa.

Sabi naman ni Freddie, “Sana tumigil na ‘yung mga detractors namin. Kasi kaya nga kami nagpakasal kasi ayaw ngang tumigil ‘yung mga paninira sa aming dalawa.

“So naisipan naming dalawa na kung magpapakasal na kami ay titigil na lahat, hindi na nila iisipin na kasalanan ‘yung ginagawa namin,” sabi pa ng award-winning singer-songwriter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Fake and flabby abs’ ni Maine nagpasabog ng good vibes sa socmed; Jennylyn, Dennis super atat nang makita ang anak

Iba pang litrato nina Paolo, Yen sa Baguio naglalabasan

Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending