Maegan Aguilar muling nakasama ang magulang sa 45th b-day

Maegan muling nakasama ang magulang sa 45th b-day: Thank you, Jesus!

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Maegan muling nakasama ang magulang sa 45th b-day: Thank you, Jesus!

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 09:00 AM

Maegan muling nakasama ang magulang sa 45th b-day: Thank you, Jesus!

Maegan Aguilar, Josephine Quiepo at Freddie Aguilar

PARANG naka-jackpot sa lotto ang feeling ng OPM artist na si Maegan Aguilar dahil sa natanggap na bonggang birthday surprise.

Para kay Maegan, ito na ang pinaka-memorable at pinakamasayang kaarawan na ipinagdiwang niya at todo-todo raw ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Isang araw matapos ang pagdiriwang ng ika-45 niyang kaarawan last April 9, ibinandera ng singer sa Instagram ang ilang litrato at video na kuha sa kanyang simple celebration.

Baka Bet Mo: Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Makikita si Maegan sa kanyang party kasama ang mga anak at ilang malalapit na kaibigan. At sa iba pang photos ay masa-sight din ang kanyang mga magulang — sina OPM legend Freddie Aguilar at Josephine Quiepo.

Matagal nang hiwalay sina Ka Freddie at Josephine pero muli nga silang nagkita at nagkasama para sa 45th birthday ng kanilang anak.

Ang madamdaming caption ni Maegan sa kanyang Instagram post ay, “Mahal na mahal ko po kayo tay & nay.

“Maraming maraming salamat po sa ibinigay ninyong pagtanggap at pagmamahal sa akin.

“I am forever grateful to our God Almighty that moved hills, valleys & mountains just for us to be all together again,” mensahe pa niya.

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

Ilang taon ding nagdedmahan at nagtikisan ang mag-amang Maegan at Ka Freddie dahil sa mga personal nilang isyu. Pero noong November, 2023, ay muli silang nabigyan ng chance na magkausap at magkapatawaran.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Verona Aguilar (@maeganaguilarchannel)


Sa isa pang IG post ni Maegan ay muli niyang pinasalamatan ang kanyang mga mahal sa buhay, kabilang na ang kanyang parents at mga anak.

“This is the first time, after a decade+, more or less that a birthday cake & Tatay, Jovie, my brothers & a kid of mine are all present for my special day of life.

“Tay, thank you po sa masayang bonding; Mom, mahal na mahal ko po kayong lahat.

“Thank you sa mga anak kong sina Zane, Jai & Mahi that always give me unconditional love.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you Jesus for this day. May God Almighty continue to bless us all and are families always. AMEN (emojis),” pahayag pa ni Maegan Aguilar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending