Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa 'Bida Next' ng 'EB' para sa panganay na anak: Don't forget me... Bandera

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Ervin Santiago |July 25,2022
share this

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Ervin Santiago - July 25, 2022 - 11:39 AM

Maegan Aguilar at Freddie Aguilar

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nagkakausap at nagkakaayos ang mag-amang Freddie Aguilar at Maegan Aguilar.

Ito ang inamin ni Maegan nang muling humarap sa publiko sa pamamagitan ng talent search competition ng “Eat Bulaga” na “Bida Next” kung saan isa nga siya sa naging contestant kamakailan.

Ilang taon ding namahinga ang anak ni Ka Freddie sa entertainment industry at ito nga ang unang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon na muli siyang napanood sa TV para mag-perform.

Kamakailan, in-upload sa Facebook account ng “Eat Bulaga” ang video clip ng pagsali ni Maegan sa “Bida Next” at dito nga siya nagbahagi ng ilang detalye tungkol sa personal niyang buhay.

Sa unang bahagi ng segment, naikuwento ni Maegan ang tungkol sa panganay niyang anak na si Zane, na 16 years old na ngayon at kasalukuyang naninirahan sa Houston, Texas.

“Medyo yun po ang purpose why sumali po ako ng ‘Bida Next,’ kasi napapanood po tayo all around the world, di ba? Hopefully my son gets to see this and sees me now that I miss him. I miss my son,” pagbabahagi ng singer.

Nang tanungin ng Dabarkads na si Allan K kung ano ang nais niyang sabihin sa nawalay na anak, sinabi nito na ginagawa niya ang lahat para maging proud ang binata sa kanya.

“Mommy’s here and I’m still trying my best so that when you come to the Philippines, you can live with mommy, and you’ll have a special room in my house. Don’t forget me, okay? I love you. I love you, Zane,” mensahe ni Maegan.


Bukod sa kanyang 16-year-old son, may dalawa pa siyang babaeng anak na narito sa Pilipinas. May ipinakitang throwback photo sa programa kung saan kasama ni Maegan ang amang si Ka Freddie at ang tatlo niyang anak.

“Yung gitna ko po, yung aking 12 years old, nasa kay Tatay kasi favorite po ni Tatay yung anak ko, so nasa Fairview lang.

“And then yung bunso ko, I get along naman with that ex of mine, so I see her when I can. Kasi nga po andami ko pong pinagdaanan, e. Lalo na nung pandemic. I kind of lost everything,” aniya.

At sa tanong naman ng “Eat Bulaga” host na si Jose Manalo kung anong kanta ang nagpapaalala lagi sa kanya pagdating sa kanyang mga anak, “The Way I Feel Inside by The Zombies.

“It’s like a lullaby na, and it means a lot kasi, di ba, the song is parang nahiwalay, e. Kahit po nahiwalay ako sa kids ko, kasi nga po ano yun, e… it was a choice that I had to make.

“Dahil dumaan po ako sa mahirap na stage ng buhay ko, and I don’t want my kids to suffer, di ba? Kaya bukal sa loob ko pong tinanggap na umalis yung anak ko kasi mas maganda yung future niya du’n,” paliwanag ni Maegan.

Kasunod nito, inamin nga ng singer na may issue pa rin sila ng kanyang tatay kasabay ng pagsasabing kasal na rin siya sa kanyang longtime partner.

“Ikinasal na rin kami last year despite everything. Actually he’s my only kasama in my life right now, kasi kami rin ni Tatay, meron din kaming distance right now. We’re not on good terms.

“Because of the choices I made in my life, he doesn’t approve. And so it’s hard to explain, right? Mahirap mag-explain so pinapasa-Diyos ko na lang din iyon na one day I could be fixed with my father as well,” pahayag ng singer.

Mensahe pa niya, “Right now I have to focus on the future, whatever it is. That’s why when I saw this ‘Bida Next,’ I’m gonna do the rules and regulations of this audition, and I will join kasi this is the longest-running show, right? Everybody can watch this.

“Papanoorin ito sa buong mundo and this is how I can make my kids proud. Yun na lang po ang aking focus,” Maegan.

At yan ang dahilan kung bakit patuloy siyang nagsusumikap sa buhay, “If I cannot have a life as a daughter, then I should just work on being a mother.”

Aga Muhlach: Fish vendor ka, security guard, market vendor ka, lahat kayo bida sa akin!

Kilalang male TV host bulol pa ring mag-Tagalog, feeling super galing

Netizens napa-‘sana all’ sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang ‘Love you bhabe ko!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending