Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo | Bandera

Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

Therese Arceo |March 04,2023
facebook
share this

Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

Therese Arceo - March 04, 2023 - 04:28 PM

 

Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

LABIS ang pagkadismaya ni Sen. Raffy Tulfo matapos magpositibo ang resulta ng isinagawang hair follicle drug test kay Maegan Aguilar.

Matatandaang noong January 20 nang samahan ng isa sa mga staff ng programang “Raffy Tulfo in Action” ang anak ni Ka Freddie para sa drug testing at para na rin magpakunsulta sa kanyang iniindang test.

At kahapon nga ay muling nakapanayam ng senador si Margan patungkol sa naging resulta ng hair follicle drug testing.

“Nag-usap tayo rito na pasahin mo lang ang drug test… kapag pinasa mo, bubuhos ako ng tulong. Babaguhin ko ang buhay mo and all at nag-agree ka… ‘Pag bumagsak ka, sabi ko, wala kang mae-expect na tulong sa akin. Tama?

“Now, Maegan, ano sa tingin mo ang result?” saad ni Sen. Raffy.

Kumpyansa naman ang sagot ng anak ni Ka Fredie at naniniwalang naipasa niya ang drug test at negative ang resulta nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Aguilar (@maeganaguilarchannel)

Muli nilang binalikan ang naging pag-uusap nila noong una itong dumulog sa kanya kung saan inamin ni Maegan na 15 years old siya nang huling gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Muli naman siyang tinanong kung kailan ang huling gamit niya ng bawal na gamot at sinabing bago pa siya maging ina.

Ngunit tila taliwas sa mga pahayag ni Maegan ang resulta ng drug test dahil lumabas na positive siya at ibig sabihin, gumamit siya sa loob ng 90 days bago ang araw ng testing.

“Kung willing po kayong magpa-rehab, tutulong po ako doon. Pero ‘yung magbibigay po ng [tulong] pinansyal, pagbibigay ng kabuhayan, at kung ano ano pa, hindi ko po gagawin ‘yun. Sa pagamutan at saka sa rehab tutulong po ako,” saad ng senador.

Sagot naman ni Maegan, “I don’t need rehab Sir Raffy. It was one day kasi na di ba nakwento ko nga po sa inyo na na-COVID kami tapos kung saan saan kami nakikituloy. Minsan kasi ‘yung tinutuluyan kasi namin hindi namin kakilala. And there was an instance na yung isa pong tumulong sa amin, yun po ang nangyayari sa kanila.

“Hindi po ako maaaring mag-react kasi tinulungan lang kami ang kailangan po naming makisama kasi ayaw naming mapahamak. So it was incident like that.”

Aniya, hindi daw siya adik at talagang ang nangyari lang ito dahil nakikisama lang sila at ayaw nilang mapahamak.

“It was just one time sir,” sey pa ni Maegan.

Idiniin naman ng senador na paano siya maniniwala gayong ilang beses niyang tinanong ang anak ni Ka Fredie patungkol sa paggamit nito ng droga at inconsistent ang sagot nito.

Nagsinungaling kayo sa akin once, anong guarantee na hindi kayo magsinungaling for the second time,” sabi pa ng senador.

Nangako naman ang senador na kung magpapa-rehab ito at kapag na-certify na nagbago na si Maegan ay mag-uusap sila at tutulungan niya itong muli.

Related Chika:
Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: ‘But she’s still not allowed in my house’

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending