Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: 'But she’s still not allowed in my house' | Bandera

Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: ‘But she’s still not allowed in my house’

Ervin Santiago |February 22,2023
facebook
share this

Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: ‘But she’s still not allowed in my house’

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:29 AM

Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: 'But she’s still not allowed in my house'

Maegan Aguilar at Freddie Aguilar

MAGANDANG senyales na nakakapag-usap na ngayon ang mag-amang Freddie Aguilar at Maegan Aguilar makalipas ang mahaba-haba ring panahon ng pagdededmahan.

Mismong ang OPM legend na si Ka Freddie ang nagsabing may communication na sila uli ng kanyang anak pero hanggang du’n na lamang muna daw yun.

Ayon sa award-winning singer-songwriter, hindi pa rin daw pwedeng tumuntong sa kanyang bahay si Maegan hangga’t hindi niya nakikitang totoong nagbago na ito.

Na-interview ng veteran entertainment columnist sa kanyang YouTube channel na si Aster Amoyo si Ka Freddie at dito nga niya naibahagi ang estado ng relasyon nila ni Maegan.

“We are talking but she’s still not allowed in my house kasi nasa akin yung anak niyang si Anaya na pinag-aaral namin.

“Tapos yung isang apo ko pang si Sky, nasa bahay din. Pero si Sky, anak ni Jeriko, nakatira sila sa bahay. Dalawang anak kong lalaki, nasa bahay ko pareho, e,” ang kuwento ng Ka Freddie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Freddie Aguilar, Official Acct (@ka.freddie.aguilar)


Patuloy pa niyang pagbabahagi, “Si Maegan, hindi siya puwede dun until malaman ko na talagang nagbago na siya. Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’

“Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e. Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’

“Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago,” sabi pa ng OPM icon patungkol sa kanyang anak na napabalita nga noon na gumagamit ng ilegal na droga pero dinenay naman niya ito.

Matatandaang noong January, 2023, dumulog pa si Maegan sa programa ni Sen. Raffy Tulfo para humingi ng tulong at para makausap ang kanyang ama.

Dito niya sinabi na hirap na hirap na siya sa buhay lalo pa’t na-diagnose siya hyperthyroidism at na-cardiac arrest na rin. Sana raw ay mapatawad na siya ng ama at muling magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Aguilar (@maeganaguilarchannel)


“Ang sinasabi ko lang po sa mga magulang ko, kung anuman ang pagkakamali ko, hindi naman siguro ganoon kalaki para talikuran nang tuluyan.

“Kasi isa lang po ang nanay at tatay ko, hindi po ba? Hindi naman po ako galing sa ibang magulang, sila lang po ang meron akong magulang.

“Kaya po hindi ko alam kung ano ang kailangan ko pang gawin. Parang ganu’n po, ipinapasa-Diyos ko na lang,” pahayag ni Maegan.

Ipinaalam naman ng programa ni Sen. Tulfo na si Ka Freddie ang nagbayad sa hospital bill ni Maegan last month nang malagay nga sa peligro ang kanyang buhay.

Mensahe ng singer sa ama, “‘Tay, wala kasi akong ibang tatay, kayo lang, e. Hindi ko na po alam kung paano ito ayusin, unless din po willing kayo na tanggapin for who I am, what I am.

“’Tay, I am imperfect. I am flawed. I don’t know how to fix, ‘Tay, pero sa totoo lang kasi kailangan ko kayo ngayon.

“Di ba, November 2 to 7, alam po ninyo iyan, binayaran ninyo ang mga gamot ko sa ospital. Muntik akong mamatay,” ani Maegan na na-cardiac arrest daw noong panahong yun.

“Pero kasi, ‘Tay, I needed to stay pa sa hospital. And then I could not kasi wala nga akong… personally wala na kaming pera ni Oliver. Wala na kami.

“Kumbaga po, ‘Tay, hindi pa ako dapat na nandito ngayon. Dapat po nasa ospital pa ako. Kaya nagpapasalamat na lang po ako sa Diyos na hindi ko po alam kung paano ko na-survive yung muntik akong na-cardiac arrest. At buhay pa po ako ngayon.

“Siguro nga, ‘Tay, may purpose pa ako kay God, may purpose pa ako as a human being at may purpose pa ako bilang anak ninyo.

“Siguro po, ‘Tay, dapat magkaayos tayo at some point. Bago tayo mawala at wala nang chance para ayusin ang lahat,” dugtong pa ng singer.

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Netizens napa-‘sana all’ sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang ‘Love you bhabe ko!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz: Pinag-iisipan kong tumakbong presidente o kaya senador…pwede na po ba ‘ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending