Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: 'Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon' Bandera

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Ervin Santiago |January 22,2023
share this

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Ervin Santiago - January 22, 2023 - 07:45 AM
Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: 'Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon'

Maegan Aguilar at Freddie Aguilar

MARAMING naawa sa singer na si Maegan Aguilar nang halos mamalimos siya ng tulong sa amang OPM legend at award-winning singer-songwriter na si Freddie Aguilar.

Emosyonal na ibinahagi ni Maegan sa publiko ang mga kamalasan at masasaklap na kaganapan sa kanyang buhay, kabilang na ang araw nang muntik na siyang mamatay.

Personal na nagtungo si Maegan sa programang “Raffy Tulfo in Action” para humingi ng tulong sa publiko at mag-sorry na rin sa kanyang amang si Ka Freddie.

Sa isang bahagi ng panayam kay Maegan, na mapapanood sa YouTube channel ng naturang programa, nabanggit niya na may sakit siyang hyperthyroidism.

Tanong sa kanya ni Sen. Raffy Tulfo, bakit hindi siya kay Ka Freddie humingi ng tulong, “Hindi po ako makalapit kay Tatay. Hindi ko po ma-explain yung dahilan kasi he has his reasons why he’s not helping me.”

Kinumpirma ni Maegan na itinakwil na raw siya ng ama, “Ganu’n na nga po. Pero I have been estranged naman po kasi, Senator Raffy, since I was 16 kasi I left the house na po. And then yung instances na nakatira po ako sa kanya is because of his request to spend time with him, also yung mga anak ko.

“But there’s always an on and off bati thing between me and my tatay, pero sa ngayon po kasi, hindi ko maayos, e. Dahil nga po he has his reasons na hindi ko na po alam kung ano yun,” aniya pa.

Samantala, nakausap din ng programa ng senador si Ka Freddie pero ayaw na nitong magsalita on air. Kasunod nito, nagsimula na ngang maiyak si Maegan.

“Natatakot po akong maging honest, kasi batikos na naman po ako. Hindi ko alam kung dapat akong magsalita, e.

“Pero ang sinasabi ko lang po sa mga magulang ko, kung anuman ang pagkakamali ko, hindi naman siguro ganoon kalaki para talikuran nang tuluyan.

“Kasi isa lang po ang nanay at tatay ko, hindi po ba? Hindi naman po ako galing sa ibang magulang, sila lang po ang meron akong magulang.

“Kaya po hindi ko alam kung ano ang kailangan ko pang gawin. Parang ganu’n po, ipinapasa-Diyos ko na lang,” pahayag ni Maegan.

Ipinaalam naman ng programa ni Sen. Tulfo na si Ka Freddie ang nagbayad sa hospital bill ni Maegan last month nang malagay nga sa peligro ang kanyang buhay.

Mensahe ng singer sa ama, “‘Tay, wala kasi akong ibang tatay, kayo lang, e. Hindi ko na po alam kung paano ito ayusin, unless din po willing kayo na tanggapin for who I am, what I am.

“’Tay, I am imperfect. I am flawed. I don’t know how to fix, ‘Tay, pero sa totoo lang kasi kailangan ko kayo ngayon.

“Di ba, November 2 to 7, alam po ninyo iyan, binayaran ninyo ang mga gamot ko sa ospital. Muntik akong mamatay,” ani Maegan na na-cardiac arrest daw noong panahong yun.

“Pero kasi, ‘Tay, I needed to stay pa sa hospital. And then I could not kasi wala nga akong… personally wala na kaming pera ni Oliver. Wala na kami.

“Kumbaga po, ‘Tay, hindi pa ako dapat na nandito ngayon. Dapat po nasa ospital pa ako. Kaya nagpapasalamat na lang po ako sa Diyos na hindi ko po alam kung paano ko na-survive yung muntik akong na-cardiac arrest. At buhay pa po ako ngayon.


“Siguro nga, ‘Tay, may purpose pa ako kay God, may purpose pa ako as a human being at may purpose pa ako bilang anak ninyo.

“Siguro po, ‘Tay, dapat magkaayos tayo at some point. Bago tayo mawala at wala nang chance para ayusin ang lahat,” dugtong pa ng singer.

May naghamon naman kay Maegan na patunayan muna niya na hindi na siya gumagamit ng droga at kung handa ba siyang magpa-drug test.

“Meron na po ako ditong existing drug test, Senator Raffy, na ginawa po sa Wellpoint. Wala po akong koneksyon sa Wellpoint Clinic September 30, this is a urine drug test and it resulted to negative po,” pagtatapat ni Maegan.

Payag din daw siyang magpa-drug test sa pamamagitan ng hair follicle test para mas accurate raw ang resulta.

May isa pa siyang hiling para raw kahit paano ay malinis na ang kanyang pangalan, “Gusto ko pong ma-stop na yung lumalabas na tsismis sa showbiz news or whatever gossip outlet or platform na I am a substance abuser, I am a drug addict, and I want it to stop coz I’m not.

“Nawalan po kasi ako ng several opportunities to work kasi hindi lang naman po ako singer-musician, nag-graduate din po ako ng hospitality and tourism.

“So, I can work as a marketing manager also. I lose the opportunities kasi when they checked my background, nakikita po nila sa gossip na addict po ako.

“May stigma po kasi na, ‘Si Maegan Aguilar ay mayabang, ganito, ganyan… matapang,'” sabi pa niya.

Naibahagi rin niya ang masaklap na nangyari nang magnegosyo sila ng kanyang asawa, “In 2022, my husband and I ventured into online selling po, and nalugi po kami.

“Kasi noong nag-lockdown 2, kailangan na po ng permits ng mga products saka mga quarantine, and hindi na po namin yun na-handle.

“And from there, I went through anxiety and depression phase, kaya po hindi ko kinayang umano agad, bumulusok agad.

“Actually kahit ngayon, I’m experiencing anxiety and depression kasi never ko pong na-imagine na ang isang Maegan Aguilar ay mapupunta sa isang ganitong phase ng buhay na hindi kaya ang sarili, na homeless po.

“Kaya heto po, kasi po kung mahihiya akong humingi ng tulong, baka po ikamatay ko pa yung hiya ko, e,” sabi pa ni Maegan Aguilar.

Siniguro naman ng programa ni Sen. Raffy na tutulungan nila si Maega, partikular na sa pagpapagamot nito.

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Korina: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak

Bea sa mga bashers: Hindi ako magiging ipokrita, nasasaktan din ako kasi tao lang ako…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending