Bea sa mga bashers: Hindi ako magiging ipokrita, nasasaktan din ako kasi tao lang ako…
PATULOY ang ginagawang pamba-bash at pang-ookray ng ilang netizens na karamihan ay mga trolls sa award-winning actress na si Bea Alonzo.
Pero in fairness sa Kapuso actress, wala siyang pinapatulan at nireresbakan sa mga ito kaya naman mas nabubwisit ang mga haters dahil dinedema lang sila ng dalaga.
Kahit pa anong kanegahan ang ibato kay Bea ng mga bashers ay cool na cool pa rin ito na ang kapalit nga ay ang napakaraming blessings na dumarating sa kanyang buhay.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang dalaga kanina sa ginanap na solo presscon niya at kami na ang nagsasabi sa inyo dear BANDERA readers, fresh na fresh pa rin si Bea at nag-uumalaw ang kagandahan.
Isa sa mga naitanong sa leading lady ni Alden Richards sa Kapuso primetime series na “Start-Up PH”, ay kung paano niya hina-handle ang bashers at haters sa social media?
“Siyempre hindi ako magiging ipokrita. Sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, e.
“Kasi, di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao ako. Tao yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan.
“And whenever that happens, I let myself get hurt. Kasi, tao ka, e. Hindi mo puwedeng i-shake-off iyon. It’s your own process. Gano’n talaga ang buhay,” pahayag ni Bea.
Pero may mga pagpuna o kritisismo rin siyang natatanggap mula sa netizens na katanggap-tanggap na nagiging motivation niya para mas pagbutihin pa ang trabaho niya bilang artista.
“I only picked the criticisms that will only help me. Because there are things na hindi mo naman kailangan sa buhay mo, in fact, baka makasama pa sa iyo. You don’t want to dwell on that kind of energy.
View this post on Instagram
“But yung criticisms na nanggagaling sa mga tao na alam ko that they love me, mga fans ko. And actually, comfortable sila to say kapag may hindi sila nagugustuhan sa projects ko or sa relationship ko.
“I know they love me and they say it in their most loving ways. And I understand it,” lahad ni Bea na wala pa ring kupas ang galing sa pag-arte sa “Start-Up PH”.
“Kasi, hindi naman ako perpekto. Marami rin akong pagkakamali. Meron din akong mga bagay na hindi ako magaling and okay lang iyon.”
“With bashing, ayaw mo naman kasi na maka-apekto yun sa energy mo. I always try protecting my energy,” ang sey pa ni Bea.
Samantala, natanong din ang dalaga kung ano ang plano niya sa kanyang kaarawan sa October 17, “Matutulog ako sa birthday ko. Ha-hahaha! I’ve been very busy this past few months and I’m very, very thankul.
“But obviously, sa sobrang dami ng mga nangyayari sa buhay ko, parang ang sarap din mag-pause.
“Magpahinga sa birthday ko. Manood ng mga series, mga movies na gusto ko. Gano’n lang kasimple at wala akong pasabog sa birthday ko,” chika pa ng aktres.
Ito naman ang birthday wish ni Bea,”Positivity! Yun ang birthday wish ko. Di ba nga, wala na akong mahihiling pa kasi, ang daming magagandang nangyayari sa buhay ko.
“At sana magtuloy-tuloy at ma-deliver ko ang lahat ng ine-expect mula sa akin,” pahayag pa ng premyadong aktres.
Patuloy na panoorin ang Pinoy version ng hit Korean series na “Start-Up PH” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Kim Domingo, Boy2 Quizon, Gina Alajar at marami pang iba.
Related Chika:
Bea pangarap makagawa ng international movie; type makatrabaho si Bradley Cooper
Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming ‘most difficult time’ ang 2019
Bea hindi pa rin napapatawad si Gerald; ayaw nang ma-pressure kung kailan magpapakasal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.