Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming 'most difficult time' ang 2019 | Bandera

Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming ‘most difficult time’ ang 2019

Therese Arceo |June 26,2022
facebook
share this

Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming ‘most difficult time’ ang 2019

Therese Arceo - June 26, 2022 - 09:36 PM

Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming 'most difficult time' ang 2019

MATAPANG na sinubukan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang lie detector test na talaga namang nauusong content sa mga YouTubers.

Ngunit may twist ang ginawa ng aktres dahil totoong lie detector test ang gamit nito at meron ring talagang tao na nag-aanalyze kung nagsasabi nga ba talaga siya ng totoo o nagsisinungaling sa mga sagot niya sa tanong na inihanda ng kanyang team.

Sa naturang vlog ay may tanong kay Bea kung ang 2019 nga ba ang most “difficult time” ng kanyang buhay.

Dito ay diretsahan niyang inamin na ito nga ang pinakamahirap na taong pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

“Yes. I guess sa love department, yes, it was the most difficult time of my life,” sagot ni Bea.

Matatandaang taong 2019 nang umugong ang balita ukol sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Kumalat kasi noon ang larawan nina Gerald at Julia na tila sweet sa birthday ng kaibigan nilang si Rayver Cruz na ni-like naman ni Bea.

May cryptic post rin ito sa kanyang Instagram account ng black photo na may caption na “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice’ ENOUGH”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Patuloy na naging laman noon ng balita ang tatlo hanggang sa tuluyan nang basagin ni Bea ang katahimikan.

“To my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” saad ng aktres.

Nitong 2021 naman ay inamin ni Gerald na sila na nga ng aktres na si Julia Barretto ngunit nilinaw niyang walang “ghosting” na nangyari.

“Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpapakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic,” saad ni Gerald.

Pagpapatuloy niya, “Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap. After months and months and months and months of being on the rocks and [puro] away… I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two.”

Parehas na rin namang masaya sa kani-kanilang relasyon ang dalawa dahil last year lang nang amini ni Bea na in a relationship na siya kay Dominic Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Lovelife hugot ni Bea: Flirting is already cheating, tapos kapag bumigay, e, ‘di affair na ‘yon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending