Lovelife hugot ni Bea: Flirting is already cheating, tapos kapag bumigay, e, 'di affair na ‘yon! | Bandera

Lovelife hugot ni Bea: Flirting is already cheating, tapos kapag bumigay, e, ‘di affair na ‘yon!

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Lovelife hugot ni Bea: Flirting is already cheating, tapos kapag bumigay, e, ‘di affair na ‘yon!

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 10:34 AM

Dominic Roque at Bea Alonzo

NANINIWALA ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na kahit ang isang simpleng pakikipag-flirt ng isang taong nasa isang relasyon ay matatawag na ring cheating o panloloko.

Mariing sinabi ng dalaga na kapag nasa isang seryosong relationship ang isang babae o lalaki, dapat lang na pairalin ang loyalty at pagiging faithful sa kanilang mga dyowa.

Sa “Girl Talk” episode ng bagong vlog ni Bea sa YouTube, may nagtanong na netizen kung okay lang ba sa kanya na makipaglandian ang kanyang boyfriend sa mga kaibigan niyang babae.

Diretsahang sagot ni Bea, “Siyempre hindi. For me, flirting is already cheating, a window to cheat. Kapag nag-flirt tapos kapag bumigay, e, di affair na ‘yon. I think you should stand your ground.”

Importante raw na maging open ang communication sa pagitan ng mga magkarelasyon para mapag-usapan ang mga ganitong uri ng problema.

“Tell your boyfriend, ‘You know, this isn’t okay.’ Let the person know that you have these boundaries that they cannot cross. Otherwise, you will end the relationship,” paliwanag pa ng girlfriend ni Dominic Roque.

Isa pang tanong ng netizen kay Bea, kung keribels lang na mag-like nang mag-like ang dyowa niya sa Instagram posts ng mga female IG users.

“Si Dom, madalas siyang nagla-like ng mga picture ng friends niya na babae or kahit mga babae na ‘di niya friends okay lang. He appreciates beauty and I trust him so I know he won’t do anything stupid,” paliwanag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Pero paalala niya sa mga kababaihan tungkol sa relationship issues and doubts, “Why don’t you ask your boyfriend about it? If it affects you, definitely, it’s valid. Pag-usapan niyo ng boyfriend mo.”

Mariin pang sabi ni Bea, “Hindi ako selosa tungkol sa ibang tao, sa mga babae, pero nagseselos ako kapag nagbibigay siya ng atensyon sa iba na mas madalas kesa sa akin — sa mga kaibigan, gadgets niya, sa drone, sa gaming.”

Hindi rin daw seloso si Dominic, “Time yung ipinagtatampo niya sa akin. Doon siya nagseselos sa trabaho ko, sa oras ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yun ‘yung lagi niyang inirereklamo sa akin. Hindi kasi ako multitasker. So kapag may ginagawa ako, kapag nagte-taping ako, focused talaga ako. Halimbawa ngayon, you won’t catch me getting my phone. Ganun talaga ako, one at a time kahit saang bagay. So anyway, time ‘yung ipinagtatampo niya sa akin,” sey ni Bea.

Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako – Kim

Payo nina Diego at Barbie sa mga magdyowa: Don’t lie, don’t cheat…maging honest kahit masakit

Kylie may patutsada matapos ang ‘breaking silence’ post ni Aljur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending