Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name | Bandera

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Therese Arceo |February 24,2023
facebook
share this

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Therese Arceo - February 24, 2023 - 06:19 PM

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name
SUMAILALIM na sa hair follicle drug testing si Maegan Aguilar, ang anak ng OPM icon na si Freddie Aguilar.

Ito ay ibinahagi ng programang “Wanted Sa Radyo” kung saan sinabi nila ang mga naitulong nila sa anak ni Freddie buhat nang dumulog ito kay Raffy Tulfo.

Bukod sa P20,000 na ibinigay ng senador kay Maegan, binayaran rin nito ang walong araw na pananatili niya at ng kanyang partner sa isang hotel.

Maging ang hiling ni Sen. Raffy na mag-take ito ng hair follicle drug testing ay ginawa na rin niya.

Matatandaang may napabalita noon na gumagamit diumano si Maegan ng ipinagbabawal na gamot at gusto lang masigurado ng senador na hindi na niya ito ginagawa gaya ng kanyang pahayag.

“Ito po, idol kuya sen Raffy Tulfo. Ito na po ang aking hair samples for the drug test. I pray na talagang this proves everything and this clears my name. Thank you again for this. ‘Yung ginawa niyo po sa akin, malaking bagay po ito,” lahad ng anak ni Ka Freddie.

Ang resulta rin kasi ng testing ang magiging basehan ni Sen. Raffy kung ipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng tulong kay Maegan.

Matatandaang nangako siya noon na hindi niya sisirain ang tiwala ng senador dahil alam niyang hindi na siya makakahinging muli ng tulong kapag nasira ang tiwala nito sa kanya.

Sinamahan rin si Maegan ng “Raffy Tulfo In Action” staff sa doktor upang mapa-check ang sakit nitong hypothyroidism at ayon naman sa doktor ay kaya itong gamutin.

Sa ngayon ay habang naghihintay ng resulta ay maghahanap muna ng pansamantalang matitirhan ang anak ni Ka Freddie kasama ang kanyang partner na si Oliver. Gaya ng ipinangako ay ang senador pa rin ang sasagot sa magiging temporary apartment ng dalawa.

Mensahe naman ni Maegan sa pagtulong sa kanya ng senador, “Kuya Sen. Raffy, gaya ng sabi ko kanina, I cannot thank you enough. Isinasalba n’yo po ang buhay naming mag-asawa. Kasi po marami na pong pintuan ang nagsara para sa amin. Siyempre po ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang problema, hindi na po namin alam kung saan susuot. Minsan kung ano na lang naiisip namin para magkapera.

“Pero dahil po sa inyo, nasa safe kami. Na-protect kami sa mga kung ano mang masasama ang pwedeng mangyari sa amin. In my heart para po kayong naging pangalawang tatay po sa akin, salamat po. Maraming salamat po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Aguilar (@maeganaguilarchannel)

Related Chika:
Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka Freddie kinakausap na ngayon si Maegan Aguilar: ‘But she’s still not allowed in my house’

Netizens napa-‘sana all’ sa lunch date nina Freddie Aguilar at Jovie Albao na may pa-shout pang ‘Love you bhabe ko!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending