LA Santos tinotoo ang pagtulak kay Maricel sa 'In His Mother's Eyes': 'Si Inay ang may gusto, after nu'n halos maiyak ako' | Bandera

LA Santos tinotoo ang pagtulak kay Maricel sa ‘In His Mother’s Eyes’: ‘Si Inay ang may gusto, after nu’n halos maiyak ako’

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

LA Santos tinotoo ang pagtulak kay Maricel sa ‘In His Mother’s Eyes’: ‘Si Inay ang may gusto, after nu’n halos maiyak ako’

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 06:10 AM

LA Santos tinotoo ang pagtulak kay Maricel sa 'In His Mother's Eyes': 'Si Inay ang may gusto, after nu'n halos maiyak ako'

Maricel Soriano at LA Santos

TINOTOO pala ng Kapamilya actor-singer na si LA Santos ang pagtulak kay Maricel Soriano sa isang eksena nila sa “In His Mother’s Eyes” na naging sanhi ng pagkatumba nito.

Magnanay ang role nina LA at Marya sa nasabing pelikula at sa trailer nga nito ay ipinakita ang eksenang nagwawala siya habang sinusuyo ng Diamond Star hanggang sa maitulak niya ito.

Inamin ni LA na totoong na-starstruck at
na-intimidate siya kay Marya noong nagsisimula pa lang ang shooting nila para sa “In His Mother’s Eyes” na hindi pinalad mapasama sa 2023 Metro Manila Film Festival 2023.

“Siyempre, hindi naman po mawawala yun. Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po.

“Kasi, si Inay Marya, ni isang beses, never niya akong pinabayaan. Sinigurado niya na nakakakain ako. Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong kinukumusta.

“Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong sinasamahan. Kaya naging mommy ko na rin talaga si Inay Marya,” ang pahayag ng binata sa grand presscon ng kanilang movie last Thursday, November 16.

Kasunod nito, natanong nga si LA, na huling napanood sa “Darna” series ni Jane de Leon, kung totohanan ang pagtulak niya sa Diamond Star na naging sanhi ng pagkabuwal nito.

Baka Bet Mo: Elisse, Charlie, Alexa, Loisa takot na takot nang unang makaeksena si Maricel: ‘Pero very sweet at maalaga siya, parang nanay talaga’

Oo daw sabi ng aktor at singer, “Si Inay din kasi, siya ang may gusto. Nu’ng una, hindi talaga dapat totoo. Pero si Inay, pinagsasabihan niya ako, ‘Totohanin mo! Itulak mo ako!’

“Ginaganu’n ako ni Inay. After nu’ng eksena na yun, halos maiyak po ako,” rebelasyon ni LA.

Inamin din niya na natarayan na siya ni Maricel, “Siyempre natarayan naman po. Kasi siyempre, nanay ko siya, e. Hindi naman mawawala yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ano po, nagiging mataray siya sa akin pagdating sa karakter ko po pag nag-aaral kami ng script. Yun naman po ang naa-appreciate ko nang sobra kay Inay, kasi sobrang ginagabayan po niya ako. Sobrang hindi niya po ako pinabayaan,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kim, JM, Kaila na-starstruck kay Maricel: ‘Diamond Star siya pero hindi niya po ipinaramdam sa amin, parang nanay talaga siya sa set’

Paglalarawan naman niya sa naging experience niya working with Maricel and Roderick Paulate, “Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa. Siyempre, alam naman po nating lahat na hindi basta-basta yung makatrabaho sina Miss Maricel po saka si Tito Roderick.

“Kaya habang buhay, parang ano po, mas na-push ko pa ang sarili ko na galingan dahil ayoko talaga siyang i-take for granted. Kasi, mahirap po talaga na makasama sila. Kasi po siyempre, Diamond Star! Kaya po ano, e, parang ginalingan ko talaga po.

“Saka nag-research po ako nang maayos, saka ginawa ko yung best ko na maging respectful po sa kanilang dalawa,” aniya pa.

Showing na ang “In His Mother’s Eyes” sa mga sinehan nationwide simula sa November 29, muka sa direksyon ni FM Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales at Skylee Alcalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending