Marlo Mortel ipu-push ang pagdedemanda laban sa babaeng netizen na nagpakalat ng fake news tungkol sa 'threesome' | Bandera

Marlo Mortel ipu-push ang pagdedemanda laban sa babaeng netizen na nagpakalat ng fake news tungkol sa ‘threesome’

Ervin Santiago |November 12,2023
facebook
share this

Marlo Mortel ipu-push ang pagdedemanda laban sa babaeng netizen na nagpakalat ng fake news tungkol sa ‘threesome’

Ervin Santiago - November 12, 2023 - 07:05 AM

Marlo Mortel ipu-push ang pagdedemanda laban sa babaeng netizen na nagpakalat ng fake news tungkol sa 'threesome'

Marlo Mortel at Heneral Tuna

PINAG-IISIPANG mabuti ng Kapamilya actor-singer at TV host na si Marlo Mortel ang pagsasampa ng kaso laban sa isang netizen na naglabas ng malilisyosong kuwento about him.

Ayon sa binata, nakuha na nila ang IP address ng nasabing netizen na nagsabing inimbitahan daw ng aktor ang boyfriend nito para sa isang threesome encounter.

Mariin itong itinanggi ni Marlo at sinabing sasampahan niya ng cyberlibel ang babaeng netizen dahil sa pagpapakalat ng malisyosong fake news.

Sa mediacon ng animated series na “Heneral Tuna” na napapanood sa Knowledge Channel, kung saan nagsilbing host si Marlo, natanong siya kung ano na ang nangyari sa pagsasampa niya ng kaso.

Sabi ng binata, pinayuhan siya ng Star Magic na pag-isipang mabuti ang magiging hakbang niya hinggil sa isyu dahil hindi nga naman biro ang magdemanda.

Pero tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap niya sa kanyang abogado tungkol sa isyu at may mga personalidad din na tumutulong sa kanya para matukoy ang identity ng nasabing netizen.

Baka Bet Mo: Susan Roces 80 na today; ‘School at Home’ ng Knowledge Channel wagi sa CSR Guild Awards

Feeling ng aktor at singer, kasama sa troll farm ang netizen dahil wala siyang kaalam-alam kung sino talaga ito, “Ipu-push talaga namin ‘yung legal actions. Pero kasi, ang dami ko ring ginagawa ngayon, ang daming trabaho at may school pa ako. So, let’s see.”

Hiningan din siya ng payo para sa mga taong biktima rin ng mga fake news sa social media, at sa mga netizens na feeling journalist na rin.

“Basta ang advice ko lang sa lahat, think before you click. At since ang mga tao ngayon parang journalist na rin, dapat maghanap muna kayo ng facts, ng proper sources kasi pwedeng makasira ng buhay ng mga tao.

“Hindi lang sa mga bagay na tungkol sa isang tao. Kundi in general. And let’s be aware and mindful of our actions,” sey ni Marlo.

Samantala, suportado ni Marlo ang mas pinasaya na palabas ng Know­ledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na nagtuturo ng mahahalagang Filipino values sa kabataan, ang “Heneral Tuna”, na napapanood sa Knowledge Channel, katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Mula sa produksyon ng NCCA, iikot ang istorya nito sa pakikipagsapalaran ng intergalactic cat na si Heneral Tuna mula sa planetang Mingming, na inatasang pumunta ng Planet Earth para sa kanilang planong sakupin ang mundo.

Subalit bumagsak ang kanyang sinasakyang spaceship at siya’y napadpad sa Barangay Hiraya, kung saan naman siya kinupkop ng kanyang magiging kaibigan na si Pat-Pat at ng kanyang pa-mil-ya at doon niya masasaksihan ang araw-araw na gawi at kaugalian ng mga Earthling.

Layunin ng mini-serye na bigyang-diin sa kada-episode ang kahalagahan ng pagkatuto ng natatanging kaugaliang Pilipino sa mga chikiting—mula sa pagmamahal sa pamilya, pagiging matulungin sa kapwa, pananampalataya, at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marlo Mortel (@marlomortelmusic)


Nitong Martes (November 7) ay nasaksihan ng mga mag-aaral ng Pedro Guevara Elementary School sa Maynila ang nakatutuwang adventures ni Heneral Tuna kasabay ng pagpapalabas nito sa Knowledge Channel.

Baka Bet Mo: Stand-up comedian at dating co-host ni Amy Perez sa ‘Face To Face’ pumanaw na

Saad ng KCFI vice president at director of operations na si Edric Calma, sana ay may matutunan ang mga kabataan sa animated series na layong pagtibayin ang kahalagahan ng Filipino values, gayundin ang pagpapamalas sa ating sariling kultura.

“Malugod naming tinatanggap ang bagong partnership project na ito sa NCCA. Tulad ng magiging mga reyalisasyon ni Heneral Tuna sa kanyang pananahan sa Barangay Hiraya, sana ay maraming matutuhan ang ating mga mag-aaral sa ating kolektibong halagahan bilang Pilipino.

“Masaya kami na sa pamamagitan ng malikhaing seven-episode animated series na ito ay nabibigyang halaga din ang sining at kultura ng iba’t ibang rehiyon sa ating bansa. Bukod pa rito, inaasahan namin ang patuloy na tagumpay ng aming pakikipagtulungan sa Wikaharian sa NCCA na tumutulong sa pagtuturo ng maagang pagbasa at pagsulat sa Filipino,” aniya.

Lubos din ang pasasalamat ng NCCA sa Knowledge Channel sa paghahatid ng programang ito sa mas nakararaming kabataan sa bansa, at sa pakikibahagi sa kanilang adbokasiya na palawigin ang kahalagahan ng kaugalian at kulturang Pilipino.

Sabi ng NCCA deputy director for operations na si Bernan Joseph Corpuz, “Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa ating partners sa Knowledge Channel Foundation at DepEd habang ginugunita natin ang Nobyembre bilang Filipino Values Month. Ipinagmamalaki namin ang ‘Heneral Tuna,’ isang animated na palabas na tumutulong sa pagtuturo ng mga halagahang Pilipino.

“Layunin naming magbigay ng inspirasyon at pag-aalaga sa isang henerasyon na may prinsipyo na gagabay sa kanila tungo sa pagiging responsable na miyembro ng lipunan,” aniya pa.

Ilan sa dumalo rin sa launch event na ito ang creative communications director ng Heneral Tuna na si Ryanorlie Abeledo; Pedro Guevarra Elementary School principal Noel Gelua; at Public School District supervisor of the Schools Division of Manila na si Ms. Ayla Urrea, na sinabayan din ng malugod na video greeting mula sa KCFI president at executive director na si Rina Lopez.

Maliban din sa pagpapalabas nito sa Knowledge Channel, gagawin din itong picture book series ng local publisher na Aklat Alamid na isasalin din sa wikang Tagalog at Bisaya.

Samahan siya sa kanyang misyon na matutunan ang mahahalagang Filipino values sa “Heneral Tuna” na mapapanood tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa Knowledge Channel, na available sa cable, direct-to-home satellite and DTT, pati online sa iWantTFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood din ang ilan pang video lessons on-demand sa official Facebook and YouTube pages nito, pati educational clips sa kanilang TikTok account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending