4 na pasabog na pelikula mapapanood na sa AQ Prime app; RS Francisco balak makipag-collab kay Willie Revillame at sa AMBS 2 | Bandera

4 na pasabog na pelikula mapapanood na sa AQ Prime app; RS Francisco balak makipag-collab kay Willie Revillame at sa AMBS 2

Ervin Santiago - August 10, 2022 - 03:00 PM

Aldwin Alegre, Honey Quino at RS Francisco

MUKHANG mas magiging masigla na nga ang entertainment industry ngayong 2022 at sa mga susunod pang taon dahil sa dumaraming streaming platforms sa bansa.

Bukod nga sa Vivamax ng Viva Entertainment at ang Juanetworx, ni-launch na rin kamakailan ang AQ Prime streaming app kung saan mapapanood ang ilang original content na ipinrodyus at ipo-produce pa lang ng nasabing film productions.

Good news talaga ito para sa industriya ng pelikulang Filipino dahil ang ibig sabihin nito, dodoble at titriple pa ang dami ng ginagawang pelikula at dokumentaryo this year.

At ibig sabihin din nito, mas marami pa ang mabibigyan ng trabaho sa mga susunod na buwan matapos mawalan ng pagkakakitaan ang napakaraming taga-movie industry nang dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagdating ng AQ Prime streaming app, mas magiging accessible at affordable na para sa mga Filipino here and abroad ang makapanood ng mga bagong pelikula mula sa magagaling nating direktor at scriptwriter.

Sa grand launch ng nasabing streaming platform, sinabi ni Atty. Honey Quino, isa sa mga executive ng AQ Prime katuwang si Atty. Aldwin Alegre, na hindi papatayin ng mga online streaming platforms ang mga sinehan.

Aniya, madadagdagan lamang ang oportunidad ng mga Filipino actors at production crew na magkaroon ng maraming trabaho at makagawa ng mga de-kalidad na pelikulang gagawa ng ingay at kikilalanin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa naganap na media launch, ipinakilala rin ang negosyante, aktor at producer na si RS Francisco bilang Creative head ng AQ Prime at sinabi nga nito na bukod sa mga pelikula, marami pa silang pasabog para sa nasabing streaming app.

 

Aniya, sa murang halaga with their promo launch, makakapanood na ang online viewers ng mga bagong pelikula tulad ng “ADONIS X” at “La Traidora” ni Alejandro “Bong” Ramos, “Bingwit” ni Neil “Buboy” Tan, at “Huling Lamay” ni Joven Tan.

Sa “ADONIS X” walang patumanggang hubaran at churvahan with a big twist ang gagawin nina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Grace Vargas, Jaycee Domincel at Mia Aquino.

Kilalanin naman sa pelikulang “Bingwit” si Salem na isang ambisyosang babae na ginagamit ang alindog at ganda para matupad ang mga pangarap sa buhay. Bida rito sina Krista Miller, Drei Arias, Conan King, Rob Sy at Boogie Canare.

Iikot naman ang kuwento ng “Huling Lamay” sa magpinsang sina Ben at Lucas na maghahatid ng takot at misteryo nang dumalaw sa kanilang namayapang lola. Bibida rito sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho at Aldwin Alegre.

Ang “La Traidora” naman ay pinagbibidahan nina Brylle Mondejar, Joni McNab, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Mia Aquino, Juan Calma at Aldwin Alegre.

Samantala, nag-iisip na rin daw ang grupo ni RS na makipag-collaborate sa kaibigan niyang si Willie Revillame para sa AMBS 2 Network. Balitang sa darating na Oktubre na magsisimula ang operasyon ng nasabing TV station na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar.

Sa lahat ng mga interesadong Pinoy, maaari nang i-download sa Google Play at App Store ang AQ Prime app.

https://bandera.inquirer.net/301388/herlene-budol-3-years-nang-may-karelasyon-na-non-showbiz-nakilala-ko-siya-sa-dating-app

https://bandera.inquirer.net/319166/joey-reyes-gustong-i-push-ang-tax-holiday-sa-bawat-p100-ang-kita-lang-ng-produ-p30-tapos-may-vat-pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303976/alodia-sa-pagiging-game-streamer-may-2-reasons-siguro-kung-bakit-ka-pinanonood

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending