Francine uunahin muna ang pamilya kesa sa lalaki, pero pinayagan na ng nanay na magpaligaw | Bandera

Francine uunahin muna ang pamilya kesa sa lalaki, pero pinayagan na ng nanay na magpaligaw

Ervin Santiago |March 15,2022
facebook
share this

Francine uunahin muna ang pamilya kesa sa lalaki, pero pinayagan na ng nanay na magpaligaw

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 08:00 AM

Francine Diaz

Francine Diaz

UUNAHIN muna ng Kapamilya young actress at vlogger na si Francine Diaz na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya bago siya magdyowa.

Ito ang pangako ng dalaga sa kanyang sarili pati na rin sa mga mahal niya sa buhay kaya naman talagang kinakarir niya ang bawat trabahong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Ayon kay Francine, ngayong 18 na siya, mas magsisipag pa siya para mas madaling makaipon at makapagpundar ng mga properties para sa kanyang pinakamamahal ba pamilya.

Aniya, nananatiling priority niya sa buhay ang kanyang showbiz career kesa sa pakikipag-boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)


Sa guesting niya kahapon sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” ay binigyan siya ng pagkakataon na mai-celebrate ang kanyang 18th birthday on national TV.

At dito nga siya natanong kung naiisip na niyang magka-boyfriend ngayong nasa legal age na siya.

“Saka na po siguro (ang pakikipagrelasyon) kapag naibigay ko na po ang lahat kina mama,” pahayag ni Francine.

At sa tanong naman kung pwede na ba siyang ligawan, naikuwento ng young actress ang naging reaksiyon ng kanyang parents tungkol sa pakikipag-boyfriend.

“Actually ako bata pa tinatanong ko na sa nanay ko. Sabi ko, ‘Mama kailan ako puwedeng mag-boyfriend?’ ‘Manahimik ka, ako ang magsasabi.’ Nagtitiklop kasi siya noon (ng damit), so nabigla siya sa tanong ko.

“Tapos ngayon tinanong ko siya ulit, ‘Paano mama kung may umamin?’ kahit wala naman. Tinanong ko lang. Sabi niya, ‘Ligaw lang,'” natatawang pahayag ng dalaga.

Ano naman ang pinakamahalagang life lesson na natutunan niya sa loob ng 18 years ng pakikipaglaban niya sa buhay lalo na sa mga pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya.

“Hindi lang naman po nu’ng nag-18 ako na ito ang lesson ko sa life. Talagang don’t give up. Ako po kumbaga para akong nasa tunnel, madilim.

“So kung hindi ako maglalakad, hini ko makikita ang light. So don’t give up; just keep going,” mensahe ni Francine.

Sa isang bahagi ng programa, ipinalabas ang ilang video message mula sa mga kaibigan niya sa showbiz kabilang na riyan ang pagbati mula sa aktor na si Marlo Mortel na siyang unang celebrity crush ng dalaga.

Ipinakita rin ang video message para kay Francine nina KD Estrada at Ashton Salvador, ang dalawa sa tatlo niyang leading man sa bago niyang teleserye, ang “Bola Bola.”
https://bandera.inquirer.net/302259/francine-diaz-single-pa-rin-hindi-naman-sa-ayaw-ko-ng-love-life-pero-hindi-pa-po-ako-ready

https://bandera.inquirer.net/306810/bakit-wala-ang-3-miyembro-ng-gold-squad-na-sina-andrea-kyle-at-seth-sa-debut-party-ni-francine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295794/francine-diaz-sa-pagsali-sa-beauty-pageant-i-dont-think-its-for-me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending