Susan Roces 80 na today; 'School at Home' ng Knowledge Channel wagi sa CSR Guild Awards | Bandera

Susan Roces 80 na today; ‘School at Home’ ng Knowledge Channel wagi sa CSR Guild Awards

Ervin Santiago - July 28, 2021 - 02:34 PM

NGAYONG araw, July 28, nagse-celebrate ng kanyang ika-80 kaarawan ang veteran actress at movie queen na si Susan Roces.

Sa kanyang Instagram account, binati ni Sen. Grace Poe-Llamanzares, ang kanyang ina kalakip ang isang throwback photo nito noong kasagsagan ng kanyang kasikatan bilang leading lady sa pelikula.

“Eighty and as beautiful and feisty as ever. To the Queen of Philippine Movies, Lola Kap ng Bayan, and an inspiration for your grit and resilience, happy birthday! I love you, Mom!” ang nakasulat sa caption ng kanyang IG post.

Si Sen. Grace ay anak ni Susan Roces sa yumaong Action King at isa ring movie icon na si Fernando Poe, Jr.. 

In fairness, hanggang ngayon, kahit may edad na ay very active pa rin sa showbiz ang isa sa mga reyna ng pelikulang Filipino.

Isa siya sa cast members ng hit series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano,” ang TV adaptation ng classic film ni FPJ na ipinalabas sa mga sinehan noong 1997. 

Siya ang gumaganap na Flora sa serye, ang matapang at mapagmahal na lola ng bidang si Cardo Dalisay na ginagampanan ng Teleserye King na si Coco Martin.

Sa social media, marami rin ang bumati kay Susan Roces kabilang na ang Dreamscape Entertainment, ang producer ng “Ang Probinsyano”.

* * *

Tumanggap ng parangal bilang “Outstanding CSR Project in Education” ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) para sa kampanya nitong “School at Home”.

Layon nitong ipagpatuloy ang distance learning sa bansa gamit ang mga on-air at online platform nito sa nagdaang 2021 League of Corporate Foundations-Corporate Social Responsibility (LCF-CSR) Guild Awards na ginanap noong Hulyo 9.  

Binigyang pagkakataon ng “School at Home Project” ang mga kabataang napilitang manatili sa kanilang mga tahanan nitong pandemya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa panonood nila ng iba’t ibang palabas tungkol sa mga school subjects gaya ng Math, Science, Filipino, English, Araling Panlipunan, Values, Arts, at Physical Education. 

Alinsunod ang mga tinuturo sa mga videos na ito sa Most Essential Learning Competencies or MELCs na itinakda ng Department of Education at maaaring gamitin ito kasabay ng self-learning modules at mga palabas sa DepEd TV. 

Isinagawa ng KCFI ang inisyatibong ito bilang tugon sa problemang idinulot ng pandemya sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas, na nagresulta sa pagbabago sa pamamaraan ng pag-aaral ng mga estudyante. 

Dahil dito, maraming mag-aaral, guro, at magulang ang hindi nakasabay dahil sa kakulangan sa kagamitang makakatulong sa distance learning.     

Sa kabila ng mga dagok na pinagdaanan ng ABS-CBN noong 2020, tulad ng pagpataw ng cease-and-desist order kontra sa SKYdirect at TVplus, at ang bigong franchise renewal application nito sa Kongreso, patuloy ang KCFI sa pagbibigay tulong sa mga estudyante, guro, at ilang pamilya para maitaguyod ang distance learning sa bansa ngayong new normal sa abot nitong makakaya.     

“We want to be able to help the Department of Education, our teachers and parents to support the learning of the child. Aside from the DepEd-provided self-learning modules, we have prepared at least one video lesson per learning competency, for each of the most essential learning competencies.

“These video lessons are what kids need at this time to be able to better learn,” sabi ng KCFI Director of Operations na si Edric Calma matapos tanggapin ang naturang parangal.     

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa ring mapapanood ang “School at Home” sa Knowledge Channel sa SKYcable, PCTA partner cable operators, Cignal, GSAT, SatLite, at A2Z araw-araw tuwing 7 ng umaga. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending