Alden dedma lang sa malilisyosong isyu tungkol sa kanyang pagkalalaki | Bandera

Alden dedma lang sa malilisyosong isyu tungkol sa kanyang pagkalalaki

Cristy Fermin |November 07,2015
facebook
share this

Alden dedma lang sa malilisyosong isyu tungkol sa kanyang pagkalalaki

Cristy Fermin - November 07, 2015 - 02:00 AM

alden richards

May kung sinong walang magawa na ipinagbabanduhan ngayon sa social media ang mga retrato ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa isang sitwasyong napakalayo naman sa kanyang tunay na pagkatao.

Dahil sikat na sikat na ngayon ang guwapong aktor na bahagi ng AlDub, natural lang na kahit ano tungkol sa kanya ay isang malaking balita nang puwedeng pagpistahan, kasali na nga ang inimbentong kuwento tungkol kay Alden na pilit na nagbabagsak sa kanyang imahe.

Ang showbiz ay parang mundo rin ng pulitika. Hindi welkam sa mundong ito ang mga personalidad na kinakasihan ng kapalaran, sa halip na ikatuwa ng kanyang mga kasabayan ang kanyang pag-angat ay kalaban pa rin ang turing sa kanya, maraming naiinggit at maraming gustong umagaw sa kanyang posisyon.

Tahimik lang ang kampo ni Alden sa mga ganu’ng paninira, lalo na ang guwapong aktor, hindi niya ‘yun binibigyan ng panahon dahil kilalang-kilala niya naman ang kanyang sarili.

Meron ba namang sumikat na aktor na hindi dumaan sa ganu’ng intriga? Kundi siya becki ay may karelasyon namang bading. Napakanormal nang kuwento ang ganu’n sa showbiz.

Tama lang ang pananahimik ni Alden Richards sa mga ganu’ng paninira, ang mahalaga ay mas marami ang naliligayahan sa kanyang naging kapalaran, ikinatutuwa ng kanyang pamilya ang regalong katanyagan sa kanya at masaya rin ang mga taong nakakikilala sa kanya nang personal sa pag-angat ng kanyang pangalan dahil sa AlDub.

Ang galit kasi, kapag wala sa katwiran, ay inggit lang ang dahilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending