Vivamax star Denise Esteban na-trauma sa naging karanasan sa Immigration, hinarang sa airport nang magtungo sa Japan
NA-TRAUMA ang Vivamax sexy star na si Denise Esteban sa nakakalokang karanasan niya sa Immigration noong unang beses niyang magtungo sa Japan.
Chika ng dalaga, nangyari ang panghaharang sa kanya sa Immigration dito sa Pilipinas noong January, 2023 nang paalis na siya papuntang Japan para sa shooting ng mga Vivamax Original movies na “Hosto” at “Japino.”
Yun daw ang unang pagkakataon na lalabas ng bansa si Denise kaya wala pa siyang kaalam-alam sa proseso sa Immigration office sa airport.
“May kulay ang buhok ko noon, tapos ano, orange! Parang akala nila, magti-TNT talaga ako du’n,” kuwento ni Denise sa presscon ng latest movie niyang “Japino” nitong Martes, November 7, kasama sina Angela Morena at Vince Rillon.
“Kaya medyo nahirapan po ako du’n. Mga 30 minutes akong pinakaba sa immigration.
“Kinausap po ako nang masinsinan. Umabot pa po kami sa birth certificate ng nanay ko,” rebelasyon pa ni Denise.
“Nu’ng nandu’n na po kami sa airport, una siyempre, kinakabahan na po ako. Kasi marami po akong napapanood na hino-hold talaga.
“Tapos nu’ng nandu’n po ako, tinanong ako, ‘Anong pinunta mo dito?’ ‘Action po, ganito, ganyan.’ Tapos hindi ko po alam yung iba kong isasagot. Siguro nakakita sila ng konting ano, na bagay na gusto nilang punahin.
“Tapos pinunta po ako du’n sa parang cube na kinausap po ako nang masinsinan, ‘Anong gagawin mo sa Japan? May kamag-anak ka ba du’n?’
“Tapos sabi ko, ‘Opo! Nandu’n po yung kapatid ng nanay ko. Nandu’n din po siya,’ ganito-ganyan,” pagpapatuloy pa ni Denise.
“Tapos siyempre, nag-check po sila ng bank statement. E, walang laman yung bangko ko. E, for tourist, siyempre kailangan may pera pag ano, di ba? E, walang laman! Nasa ano lahat…
“Tapos ayun, yung surname kasi ng tita ko du’n, iba sa surname ng mom ko. So, parang nagdalawang-isip sila. Akala nila, yun yung magbubugaw sa akin sa Japan. Kaya parang hinold ako du’n nang mga ilang minutes,” paglalahad pa ng sexy star.
“Pinakawalan ako mga 10 minutes before umalis yung ano siguro, kaya sobrang kaba. Kasi pag naiwan ako, wala na. Papalitan na ako. Yun po, yun ang ano, basta hinold po ako. Ibang klaseng experience po yun,” aniya pa.
Sa tanong kung paano siya nakalusot sa Immigration, “Hindi ko alam, pinagtripan po yata ako nu’ng ano. Pina-send po yung birth certificate ng mom ko, birth certificate ng tita ko, marriage contract, ID ng tatay ko, kung anu-ano talaga.
“Yun lang po, before nu’ng ako ano, nung malapit nang umalis yung plane, pinaalis din po ako. Pinapasok na rin po ako,” kuwento pa ng dalaga na napanood sa mga Vivamax films at original series na “Kaliwaan,” “Doblado”, “Kara Krus”, “Secrets”, “High (School) On Sex”, “Star Dancer”, “Halo Halo X”, at “Haslers.”
Inamin nga ni Denise na parang natatakot na siyang humarap uli si Immigration sa airport, “Opo! Sobra po! Ano po, last time, pumunta po kaming Bacolod. So, nag-plane po kami. Natatakot ako.
“Hindi ko alam na hindi naman pala dadaan ng ano du’n. May trauma pa ako. Sabi ko sa mga kagrupo ko, ‘Sunod ako sa inyo, teh. Huwag kayong aalis, ha ‘ Nandu’n pa rin yung takot talaga.”
“Hindi lang po talaga slight, sobrang trauma po talaga. Takot na takot talaga ako,” sey pa ni Denise.
Samantala, maraming Pinoy ang nais makarating sa Japan, hindi lang para mamasyal kundi para maghanap-buhay. Ang ibang may matinding pangangailangan ay gagawin ang lahat para manatili rito kahit walang legal na papeles.
Ngayong November inihahandog ng Vivamax ang “Japino” na maglalahad ng kwento ng dalawang Pinay na nakikipagsapalaran sa tinaguriang Land of the Rising Sun. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Freidric Macapagal Cortez, at Brillante Mendoza bilang Creative Producer.
Si Angela Morena ay gumaganap bilang si Ayu, isang dancer sa bar sa Japan. Agresibo ang tingin sa kanya ng mga tao, pero tinatago niya lang ang pagiging uhaw sa pagmamahal at atensyon.
Hinahanap niya ang kanyang amang Hapon, at umaasa na kilalanin siya nito para makakuha ng Japanese citizenship. Ang kanyang ina na si Lara (Lara Morena), isa ring dancer, ay bumalik na sa Pilipinas, kaya ang nobyo niyang si Yuki ang kasama niya sa paghahanap.
Si Denise Esteban ay si Aki, isa ring dancer sa bar. Malakas ang dating at gagawin ang lahat para yumaman at gumanda ang buhay. Wala sa plano niya ang mabuntis, kaya nang mangyari ito, inisip niya agad na ipalaglag ang bata kahit mahal na mahal siya ng kanyang nobyo na si Taka.
Ang mga lalaki sa buhay nila ay ginagampanan ni Ali Asistio bilang si Yuki at si Vince Rillon bilang si Taka.
Si Yuki ang silent type, malapit sa pamilya at simple lang ang gusto sa buhay, samantalang si Taka ay may pagka-immature at bara-bara sa mga desisyon. Parahe silang illegal na nagtatrabaho sa Japan.
Ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa buhay nina Ayu at Aki ay magkasabay o magkaugnay pero magkikita kaya ang dalawa? Subaybayan kung paano magiging magkarugtong ang kanilang makulay na buhay.
Mapapanood na ang “Japino” sa Vivamax simula November 10.
Related Chika:
Bwelta ni Pokwang kay Lee O’Brian: ‘Kapal ng mukha, di ba? Pinangungunahan ang batas natin’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.