Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin | Bandera

Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin

Reggee Bonoan |May 22,2022
facebook
share this

Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin

Reggee Bonoan - May 22, 2022 - 03:53 PM

Denise Esteban

TUBONG-BAGUIO City ang Viva sexy star na si Denise Esteban at kahit nabibilang sa konserbatibong pamilya ay suportado siya lalo na ang ina’t kapatid na babae sa mga ginagawa niyang pelikula na ipinalalabas sa Vivamax.

Sa tanong namin kung ano ang komento ng magulang niya sa pagsabak niya sa pagpapaseksi  “Nu’ng una tinatanong nila ako kung gusto ko talaga ito. Kasi kung gusto ko talaga itong ginagawa ko, susuportahan daw nila ako kahit nagpakita ako ng skin.”

May breast exposure pa nga si Denise sa unang pelikula niyang “Kaliwaan,” “Opo, in-explain ko rin naman sa kanila (magulang) na work lang ito at alam rin naman nila na kung sino ako at iba ang ipinapakita on screen sa totoong buhay,” katwiran ng dalaga.

Diin naming tanong ulit kay Denise na kahit iba pa ang pagkakakilala sa kanya off cam the fact na nakita ng publiko ang buong katawan niya ay iba pa rin ang dating no’n sa kanya.

Pero may hirit na sagot ang sexy star, “Sa akin po wala naman ‘yun kasi ipinanganak naman tayong lahat ng nakahubad.”

Bunsong anak si Denise at okay sa ate niya ang ginagawa niya maliban sa kuya niya na bago pa siya maging Viva star ay hindi na sila in speaking terms kaya hindi nito gusto ang ginagawa niya sa harap ng camera.

Naikuwento rin ng dalaga na pinapanood ng ate at nanay niya ang mga pelikula niya, hindi lang siya sure sa tatay niya kung nanonood din.

“Pero feeling ko po may pinanood na ang tatay ko hindi ko lang alam ang reaksyon pero ang mama ko sabi niya, ‘ang sexy mo ro’n sa part na ‘yun, ang ganda mo ro’n, medyo lumaki ka hindi ka ganu’n kapayat,” kuwento ni Denise.

Super slim kasi si Denise sa personal at medyo maliit din sa height niyang 5’4 lalo’t tumabi pa siya kay Janelle na nasa 5’9 ang taas.

Dagdag pa ni Denise, “Actually tinatawanan na nga lang po nila ‘yung mga scenes.”

Balik-tanong namin sa dalaga kung hindi ba siya nahiya na napanood ito ng magulang niya.

“Hindi po! Kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sa akin wala na akong pakialam kasi naka-focus lang ako sa work ko, sa pangarap ko, ‘yun lang po. Walang distraction sa akin ‘yung mga sinasabi ng iba,” diin ng dalaga.

Hanggang kailan magpapa-sexy si Denise, dahil ang ibang sexy star ay may hangganan lang dahil gusto na nilang mag-switch sa pagiging dramatic actress.

“Hangga’t may ibinibigay po sa akin (Viva) tatanggapin ko po at kung tapos na ‘yung time ng kasikatan ng sexy films at pupunta na ako sa seryosong mga roles, okay po sa akin, pero hangga’t may ibinibigay tatanggapin ko po,” pahayag nito.

At pag nag-switch na, “Gusto ko po heavy drama mga (ginagawa) ni Angel Locsin.”

Umaming naghiwalay sila ng boyfriend niya dahil hindi nagustuhan ang mga ginagawa niyang pelikula.

“Kung hindi niya gusto, hindi siya okay, e, di, hiwalayan,” saad ng dalaga.

Sa susunod na taon na itutuloy ni Denise ang pagpasok niya sa kolehiyo dahil gusto niyang mag-ipon at gusto rin niyang siya ang magpaaral sa sarili niya kahit kaya naman siyang pag-aralin ng magulang niya dahil may negosyo ito.

Ikatlong pelikula na ni Denise ang “Secrets” kasama sina Felix Roco, Benz Sangalang at Janelle Tee at may dalawa pa raw siyang gagawin sa Vivamax.

Sa mga nagawang pelikula ni Denise ay sa “Secrets” daw siya nag-enjoy dahil hindi siya nahirapang umarte.

“Sobrang nag-enjoy ako na hindi ko kailangang umarte na parang inosente kasi sobrang wild ako rito makulit, so, nailabas ko ‘yung totoong ugali ko rito sa movie na ito,” ani Denise nang makausap namin pagkatapos ng mediacon.

Kinlaro nito ang sinabi niyang wild, “Hindi wild na (masama), makulit, madaldal.”
Naunang nakilala si Denise sa P-Pop girl group ng Viva pero pag-amin ng dalaga na hindi niya pinangarap maging singer.

“Ginamit ko lang stepping stone para mapunta ako sa acting. Kaya nu’ng nandito na ako (gumagawa ng pelikula) hindi na ako bumalik sa sing and dance. Acting po talaga ang pangarap ko since sexy (roles) ang ibinibigay, go lang ako,” paliwanag ng bagong goldmine ng Viva Films.

At inamin ni Denise na gusto niyang makasama sa love scene si Diego Loyzaga dahil matagal na niyang crush ang aktor.

“Gusto ko siya kasi pogi at crush ko na siya dati pa before pa ako mag-artista. Hindi pa po kami nagkakilala pero nagkita na kami sa isang movie pero hindi kami nagkapansinan,” kuwento ng dalaga.

Sabi namin na sa sinabi niya ay binigyan niya ng ideya sina Boss Vic del Rosario at natawa si Denise.

Sa tanong kung hindi ba nadadala ang aktres sa mga intimate scenes, “Hindi po kasi alam kong work at (kunwari) pini-feel lang saka hindi ka ma-arouse sa rami ng nanonood kahit kumportable ka pa sa kasama mo. Siguro ‘yung iba na-arouse sila pero para sa akin hindi, eh kasi alam kong work lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Secrets” sa Vivamax sa Hunyo 10 sa direksyon ni Joey Reyes.

Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang

Vivamax sexy star Denise Esteban hirap na hirap sa rape scene nila ni Mark Anthony: Binaboy niya kasi ako sa eksena…

Kit Thompson pansamantalang nakakulong dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni, Gabriela nagbigay suporta sa aktres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending