Paalala ng Immigration sa lahat ng biyahero: Ihanda na ang lahat na kailangang dokumento
NAG-ABISO ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga kawani ng gobyerno, menor de edad, at mga banyagang turista.
Ayon sa ahensya, kailangan nilang magsumite ng karagdagang dokumento bago makapagbiyahe.
Ginawa ng BI ang paalala dahil sa holiday rush ngayong Semana Santa.
Kinakailangan ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na magpakita ng kaukulang pahintulot upang makabiyahe patungo sa ibang bansa mula sa kanilang mga ahensya.
Habang ang mga menor de edad na mag-isa ay dapat magkaroon ng kaukulang pahintulot mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago ang flight.
Ang mga banyagang turistang nakatira sa bansa ng mahigit sa anim na buwan ay kinakailangang kumuha ng “emigration clearance certificate” mula sa anumang distrito, field, satellite, at extension office ng BI sa buong bansa.
Ang mga rehistradong banyaga na may ACR I-Cards ay maaaring kumuha ng kanilang re-entry permits sa ibang BI Offices o sa BI NAIA one-stop-shop bago magtungo sa kanilang flight.
Magugunitang nahaharap ang nasabing bureau sa mga reklamo ng mga hindi karaniwang kahilingan ng mga immigration officer.
Nag-umpisa ang isyu matapos mag-viral ang video ng isang Pinay na nagreklamo tungkol sa isang immigration officer na nagtanong ng “irrelevant questions” sa kanya.
Kabilang na kung may dala ba siyang yearbook na naging dahilan kaya siya naiwan ng flight patungong Israel.
Read more:
Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind…
Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: ‘Wag kalimutan ang sarili
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.