Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang | Bandera

Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang

Ervin Santiago |May 03,2022
facebook
share this

Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang

Ervin Santiago - May 03, 2022 - 07:55 AM

Denise Esteban

PROMISING ang baguhang Vivamax sexy star na si Denise Esteban na una naming napanood sa pelikulang “Kaliwaan” na idinirek ni Daniel Palacio at mula sa konsepto ni Brillante Mendoza.

Bukod sa maganda at talaga namang super sexy, nakitaan din namin ng star quality ang dalaga at in fairness — may ibubuga rin siya pagdating sa pag-arte.

Maikli lang ang exposure ni Denise sa “Kaliwaan” pero nagmarka ito sa amin at sa iba pang nakapanood sa pelikula na sobrang bayolente bukod pa sa sandamakmak na sex scenes ng lead star sa movie na si AJ Raval.

At dahil nga nakitaan ng Viva Entertainment executives si Denise ng X-factor, agad siyang binigyan ng follow-up project, ang “Doblado” sa direksyon ni GB Sampedro at mapapanood na sa Vivamax simula sa May 19.

Pero knows n’yo ba na 19 years old pa lang si Denise at turning 20 sa May 7? Kaya naman talagang fresh na fresh ang aura ng dalaga at hindi na kami magtataka kung sa mga susunod na buwan ay maging reyna na rin siya ng Vivamax.

“Bata pa ako, gusto ko na talagang mag-artista. I was a simple student but in high school, I tried runway modeling then nag-audition ako sa isang P-Pop group at nakuha naman ako. We were doing song and dance. Mahiyain ako before, but dahil sa P-Pop, natuto akong humarap sa tao at kumapal ang mukha ko.

“But during the pandemic, nag-lie low yung group namin kasi walang live performances,” ani Denise na may pagkakahawig daw sa Kapuso actress at beauty queen na si Thia Thomalla at “Eat Bulaga” Dabarkads at isa ring beauty queen na si MJ Lastimosa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒟𝑒𝓃𝒹𝑒𝓃 (@deniseesteban_)


At nang dumating daw ang mga offer ng Vivamax ay tinanggap niya agad, “That was last December, dumating yung offer kung gusto kong i-try na magpa-sexy. Nag-audition ako at hindi ko ine-expect na makukuha ako.

“Nagulat ako pero nakakatuwa kasi big roles agad ang ibinigay nila sa akin. Sa ‘Kaliwaan’, sister ako ni Felix Roco na victim of incest.  The movie ends with me wandering around in the street in the final scene.

“In ‘Doblado’, I play the lead role of a woman with a double life, estudyante sa araw, call girl sa gabi. It’s a blessing, considering na bago pa lang ako, pero nabigyan ako ng lead role,” kuwento ni Denise sa online presscon ng “Doblado”.

Nagpaalam ba siya sa parents niya na magpapa-sexy siya sa pelikula?  “Yes, I did. Okay naman sa kanila, naiintindihan nila na ito ang gusto kong gawin and I love my work as an actress. Very supportive naman sila.”

Inamin naman ni Denise na inatake siya ng takot at matinding kaba sa una niyang pagsabak sa paghuhubad at love scene, “Noong una, nahihiya ako, natatakot ako to do sexy scenes. Kasi baka hindi tama ang ginagawa ko, but my directors helped me.

“I trusted them and hindi nila ako pinabayaan, tinulungan nila ako. Maayos naman ang atake nila sa bedscenes.

“Sabi nga ni Direk GB, what we’re doing is art, not just something na kalokohan. Hindi naman ako nahirapan sa sexy scenes. Actually, mas nahirapan ako sa dramatic scenes na pinaiiyak ako kasi hindi pa ako sanay sa drama,” chika ng dalaga.

Keribels ba niyang makipagsabayan at makipagtapatan sa mga Vivamax sexy star na walang takot magpakita ng hubad na katawan sa harap ng camera tulad nina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang?

“With the movies na ginawa ko, I think kaya naman naming tapatan sila kasi maganda talaga ang story ng movies namin at mahuhusay ang mga director namin,” sagot ni Denise.

Samantala, puring-puri naman niya ang leading man niya sa “Doblado” na si Josef Elizalde, “Okay katrabaho si Josef. Masayahin siyang kasama at hindi ko ine-expect na sobrang makakasundo ko siya agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May workshop kami before the shooting started para maging mas comfortable kami sa isa’t isa. He’s the more experienced actor between us so tinuturuan niya ako, gina-guide niya ako,” kuwento pa ni Denise.

GB Sampedro sa mga idinidirek na sexy stars: Iginagalang ko ang pagkatao ng mga artistang dumadaan sa akin

Vince Rillon kinontra ang ‘soft porn’ hugot ni Baron; hindi raw titigil sa paghuhubad

Vince Rillon natakot, naiyak nang mapanood ang torture scene sa ‘Kaliwaan’; AJ Raval ilang beses nagbuyangyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending