Daria Ramirez posibleng makuha ang kayamanan ni Joey de Leon kung... | Bandera

Daria Ramirez posibleng makuha ang kayamanan ni Joey de Leon kung…

Reggee Bonoan |November 06,2023
facebook
share this

Daria Ramirez posibleng makuha ang kayamanan ni Joey de Leon kung…

Reggee Bonoan - November 06, 2023 - 09:47 AM

Daria Ramirez posibleng makuha ang kayamanan ni Joey de Leon kung...

Joey de Leon at Daria Ramirez

MAINIT pa ring pinag-uusapan sa umpukan ng media ang panayam ni Ogie Diaz sa aktres na si Daria Ramirez para sa kanyang YouTube channel na “Ogie Diaz Inspires”.

Nabanggit kasi ng ex-wife ni Henyo Master Joey de Leon na wala siyang pinirmahang annulment papers kaya hindi niya alam kung napawalang-bisa na ang kanilang kasal.

Natalo raw siya noon sa kaso (annulment) na siya raw mismo ang nagbayad at wala rin daw siyang kopya ng dokumento na nagpapatunay na single na siya at wala rin siyang nakuhang alimony o suportang ipinag-utos ng korte sa nakahiwalay na asawa.

Napanood ng vlogger na si Consuelito John Gaviola, isang political calesthenics, at gusto niyang magbigay ng opinyon tungkol sa kasalukuyang kinakaharap ng ex-wife ni Joey na humihingi ng tulong pinansiyal sa TV host-actor.

Inisa-isa muna ni Ginoong Gaviola ang grounds for annulment at sa pagkakaintindi niya ang grounds na pinayl ni Daria kay Joey ay ang tinatawang na mental illness o psychological incapacity dahil imposibleng fraud, absence of parental consent kapag nagpakasal, nagkasakit ng STD o sexually-transmitted-disease at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi pala grounds for annulment sa Pilipinas ang infidelity dahil under na ito sa psychological incapacity to fulfill obligations tulad ng hindi nito pagbibigay ng panggastos sa bahay at pinagbubuhatan ng kamay kapag nasa impluwensiya ng alcohol.

Baka Bet Mo: Carla Abellana naghahanda na sa pagpa-file ng annulment; Tom Rodriguez hugot na hugot sa breakup

Anyway, ang opinyon ng YouTuber, “Malamang ‘yan ang reason ni Daria Ramirez sa kanyang pagpa-file ng annulment kay Joey de Leon, pero siya po ay talo, so ang ibig sabihin ay walang annulment na naganap.

“So kung walang annulment na naganap ano po ang magiging epekto nito sa kanyang reklamo ngayon kasi ang sabi niya ayaw ko nang maghabol may edad na kami, matanda na kami, pero kahit hindi po siya maghabol by operation of law (at) kung sakali pong pumanaw itong si Joey de Leon ngayon ang mangyayari po diyan lahat po ng properties ni Joey de Leon at kayamanan na kapag hindi niya naayos ay posibleng masilip ng abogado at tulungan si Daria.

“Malaki ang tsansa na makuha nito ang pag-aari ni Joey batay po sa sinasabi ng batas sapagkat siya pa po ang legally married na asawa at hindi si Aileen Macapagal.

“Actually para po sa kaalaman ng marami kahit po physically hiwalay kayo ng 20 years, 30 years o 40 years hangga’t hindi po na-annul ang inyong kasal o napapawalang-bisa ang kasal at lahat ng properties, kayamanan, rights and by operation of law ay hindi na po kinakailangang mag-file.

“Dahil mapupunta po sa legal na asawa at kung anong meron si Joey de Leon ay conjugal property nila ni Daria Ramirez at may unang karapatan diyan ang mga anak nilang sina Keempee at Cheenee de Leon.

Baka Bet Mo: Jennica hindi na babalikan si Alwyn: ‘Yung second chance nabigay ko na po yun, dumating na sa point na wala na talaga akong kayang ibigay’

“Sabi pa ni Daria ay hindi niya alam kung sila’y talagang annulled na dahil wala siyang pinirmahan at naniniwala po ako kung talagang wala siyang pinirmahan at nagsasabi siya ng totoo ay naniniwala akong hindi pa sila annulled.

“Sapagkat bago po magkaroon ng final decision ng annulment ay meron munang tinatawag na legal separation, so, ibig sabihin ay idineklara na kayo ng church na separated na at bago po i-finalize ang desisyon sa annulment ay magkakaroon na po ng distribution of properties.

“So, kung walang natanggap si Daria Ramirez kahit na singkong duling mula kay Joey de Leon ang ibig pong sabihin ay hindi sila annulled,” paliwanag pa ni Gaviola.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Ginawa pa niyang ehemplo ang naging kaso nina James Yap at Kris Aquino na walang kahirap-hirap daw ang basketbolista na nakatanggap ng P60 million as alimony at gayun din sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na noo’y ang huli ay may malaking kinikita sa kanilang mag-asawa kaya malaki rin ang nakuha ng papa ni KC Concepcion nang mapawalang-bisa ang kasal nila.

Going back to Daria at Joey, kung hindi pa sila annulled ay sina Keempee at Cheenee ang legit na mga anak ng isa sa host ng “E.A.T.” at ang mga anak daw nito kay Aileen ay illegitimate.

“Malaking bagay po ‘yan sapagkat kung magkakaroon ng partehan ng properties kapag pumanaw si Joey de Leon at kung ito’y tig-P100 million ang makukuha nila (kasama Daria) ay kalahati lang po ang makukuha ni Aileen at ‘yan po ang sinasabi ng batas.

“At kung hindi pa nga annulled sina Joey at Daria ay may na-commit na criminal offense sina Aileen at Joey, ito po ay bigamous marriage na ibig sabihin ay nagpakasal ka (Joey) sa dalawang tao na ibig sabihin ay punishable under the revised penal code.

“Kaya puwedeng maghabol si Daria Ramirez provided na sinasabi niyang wala siyang pinirmahang papeles,” paliwanag ni Ginoong Gaviola.

Samantala, nagkatataka rin kami kung bakit biglang nagpa-interview si Daria kay Ogie para talakayin ang tungkol sa kasal nila ni Joey.

Hmmmm, hindi kaya may nagpayo kay Daria na may karapatan siyang maghabol kay Joey dahil wala siyang pinirmahag papeles tungkol sa annulment nila?

Hindi kaya pinayuhan ding pasimple lang ang paliwanag ni Daria at palambing nitong paghingi ng tulong sa pamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz para palabasing nakikiusap siya at hindi nagde-demand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ginoong Joey de Leon, Aileen Macapagal at sinuman sa kampo nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending