Ogie Diaz naloka nang makita ang 'bird' ni Mark Anthony Fernandez: 'Gusto kong sampal-sampalin...' | Bandera

Ogie Diaz naloka nang makita ang ‘bird’ ni Mark Anthony Fernandez: ‘Gusto kong sampal-sampalin…’

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Ogie Diaz naloka nang makita ang ‘bird’ ni Mark Anthony Fernandez: ‘Gusto kong sampal-sampalin…’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:39 AM

Ogie Diaz naloka nang makita ang 'bird' ni Mark Anthony Fernandez: 'Gusto kong sampal-sampalin...'

Mark Anthony Fernandez at Ogie Diaz

NAKITA ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang “bird” ni Mark Anthony Fernandez kaya raw sinita niya ito.

Napanood kasi ni Papa O ang isang pelikula ng aktor at dating miyembro ng grupong Gwapings kung saan nakasama niya sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Updates”, naichika nga ni Ogie na nakausap niya si Mark after niyang mapanood ang pelikulang “Scorpio Nights 3” mula sa Viva Films.

“’Nakakaloka ka!’ sabi ko sa kanya, ‘nakita ko ‘yung ano mo, bird mo, sa ‘Scorpio Nights 3,’” ang kuwento ni Papa sa kanyang latest vlog.

Ngunit ang sabi raw sa kanya ni Mark, prosthetic lang daw yung nakita ng mga manonood at hindi raw siya totoong nag-frontal sa naturang eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


Ang sey pa raw ni Ogie kay Mark Anthony, “Kung kailan ka nagkaedad doon ka naghuhubad.”

Esplika raw ni Mark, mataba raw kasi siya noong kabataan niya kaya ngayong medyo fit na ang kanyang katawan at medyo maliit na rin ang tiyan, pwede na niyang magamit sa pelikula.

Baka Bet Mo: Alwyn nakakita ng ibon sa hinubad na sapatos; may nais nga bang ipahiwatig sa relasyon nila ni Jennica?

“Sabi ko, nakakaloka ka pati puwit mo,” ang sabi pa raw ni Ogie kay Mark nang magkachikahan sila.

Hirit naman ng co-host niyang si Ate Loi, “Kumusta naman?”

“Gusto kong sampal-sampalin,” ang tugon ni Ogie.

“Si Mark?” ang paniniguro sa kanya ni Mama Loi.

“Hindi, ‘yung puwit!” ang hirit na sagot ni Ogie na ikinahagalpak nilang lahat.

* * *
Kinasabikan at pinag-usapan ng netizens ang naging pasabog na opening number na hinanda ng pamilya ng “It’s Showtime” sa pamumuno ni Vice Ganda sa kanilang pagbabalik kaya naman nanguna ito sa Twitter.

Puno ng energy nga ang bungad nina Anne Curtis, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Karylle, Ion Perez, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez na ikinasaya namadlang people.

Nagpasalamat din ang hosts sa bumubuo ng “It’s Your Lucky Day” sa paghahatid nito ng ligaya sa viewers sa nakalipas na 12 araw. Agad din naman ibinahagi ni Vice na ginamit nila ang kanilang pahinga para paghandaan ang nalalapit na “Magpasikat” at ang sopresa nila sa kanilang ika-14 anibersaryo.

Baka Bet Mo: Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: ‘Wow! Ang ganda naman idol!’

Bukod naman sa kanilang opening number, kinoronahan din noong Sabado (Oktubre 28) ang bagong “Mini Ms. U” grand winner na si Arianah Lasam ang matapos niyang pukawin ang loob ng hurado sa taglay nitong kumpiyansa sa sarili at nag-uumapaw na cuteness sa Mini Ms. U:The Cutest Finale.

Nakuha nga niya ang pinakamataas na total average score mula sa hurados na sina Nino Muhlach, Janice de Belen, Gladys Reyes, Snooky Serna, at Maricel Soriano.

Bilang grand champion, nag-uwi si Arianah ng P300,000, isang exclusive management contract mula sa Polaris ng Star Magic, at trip for four sa Hong Kong Disneyland, three days at 2 nights, kasama ang accomodation at airfare.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


Nagbigay din ng special awards ang naturang segment kabilang ang Mini Ms. Talent at Mini Ms. Cutieful Smile para kay Enicka, at Mini Ms. Friendship para kay Eury.

Ang iba namang finalists na nakaabot sa Top 13 ng kompetisyon ay sina Audrei, Jewel, Alycia, Scarlet, Oliviann,Grandice, Reign, Quinn, Rain, at Briseis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, inanunsyo rin ng “It’s Showtime” na mapapanood na sila sa panibagong timeslot simula Lunes, 11:30 AM. Dapat din abangan ng mga manonood ang bagong segment ng show na “Dance Wars,” kung saan maglalaban-laban ang iba’t ibang grupo at ipapamalas  ang galing sa pagsasayaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending