Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: 'Wow! Ang ganda naman idol!' | Bandera

Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: ‘Wow! Ang ganda naman idol!’

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: ‘Wow! Ang ganda naman idol!’

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 11:30 AM

Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: 'Wow! Ang ganda naman idol!'

Coco Martin

IBINANDERA ng Kapamilya Teleseye King na si Coco Martin ang kanyang mga alagang ibon sa social media na talaga namang kinaaliwan ng madlang pipol.

Isang certified bird lover din ang award-winning actor base sa kumakalat na litrato sa Facebook kung saan nakikipaglaro nga siya sa iba’t ibang klase ng ibon na nasa loob ng hawla

“Kaway-kaway sa mga bird lovers dyan,” ang nakasaad sa caption ng “Coco Martin” Facebook page kahapon, January 3.

Hindi naman nabanggit sa nasabing FB post kung si Coco ang may-ari ng nasabing mga ibon o kung sa property niya mismo ito matatagpuan.

Wala ring sinabi kung latest ba ang mga in-upload na litrato o kung si Coco mismo ang nagbahagi ng koleksyon ng magaganda at makulay na mga birdie.


Humamig naman ng sandamakmak na reaksiyon mula sa mga netizens ang mga birdie ni Coco.

“Love those, I have Cockatiels too, their songs are nice to hear, it’s therapeutic.”

“Wow! Ang ganda naman idol!’

“Bird lover ka rin pala, idol! Nakakatuwa kasi mapagmahal ka sa mga hayop. Ibig sabihin, talagang mabuti ang puso mo.”

“Ganda ng mga birds n’yo.”

“Dmi mo alaga sir coco may aso may pusa may bird bka my aquarium ka?”

“Ang Ganda aalagaan Ang ibon Lalo na Kong magka sisiw na.”

“I love birds…pahingi nman idol.”

Samantala, pagkatapos mamayagpag ng “FPJ’s Ang Probinsyano” nang mahigit pitong taon sa ABS-CBN, bibida uli si Coco sa isa na namang TV remake ng Fernando Poe, Jr. classic film.

Yes, kasado na nga ang pagbabalik-Primetime ng aktor sa “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan makakasama niya ang anak ng Action King na si Lovi Poe.

Bitoy nagluluksa sa pagkamatay ng alagang ibon: Lahat kami sa bahay, nag-iyakan…

Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending