Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth! Bandera

Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

Therese Arceo |January 18,2022
share this

Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

Therese Arceo January 18, 2022 - 02:40 PM

Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

KASALUKUYANG nagbabakasyon ngayon sa Busuanga, Palawan ang love birds na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Bakas na bakas sa kanilang Instagram posts kung gaano sila nag-e-enjoy at namamangha sa kanilang bakasyon.

Present rin sa kanilang Palawan trip ang anak ni Cherry Pie na si Nio Tria.

“Heaven on earth,” saad ni Edu sa Instagram kasama ang series of photos nila ni Cherry Pie at ni Nio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edu Manzano (@realedumanzano)

Hindi naman mapigil ang kilig ng madlang pipol pati na rin ng mga kaibigan at kasama ng dalawa sa industriya.

“Kinikilig ako sa inyo!” comment ni Dawn Zulueta.

Hirit naman ni Maja Salvador, “tamis!”

“Iba din magpakilig si tatay dudz! Jusko tinalo ang millennial couple!” sey ng isang netizen.

Comment naman ni Cathy Babao, “I have to say that you have a different smile and glow about you. Must really be love” na sinagot naman ni Edu ng “It can be no other, Cathy!”

Halata rin na magka-vibes na talaga sina Edu at Nio at mukhang unti-unti na silang nakakabuo ng magandang relasyon sa isa’t isa.

Matatandaang noong tanungin si Nio tungkol sa relasyon ng kanyang ina kay Edu at kung aprubado ba sa kanya sakaling magpakasal ang dalawa ay wala siyang tutol.

Aniya, “I think it’s their decision. I support my mom and I respect her decisions. If ever in the future, they would want to get married, I would accept it because I trust my mom’s decision.”

Nobyembre 2021 nang aminin ni Edu ang real score sa pagitan nila ni Cherry Pie sa pamamagitan ng pagkumpirma thru text message nang tanungin siya ni Cheryl Cosim kung totoo nga ba ang chika na may “something” sa kanila ng beteranong aktres.

Masaya rin naman ang anak ni Edu na si Luis Manzano sa bagong pag-ibig na natagpuan ng kanyang ama.

Related Chika:
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending