Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na | Bandera

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Reggee Bonoan |June 14,2023
facebook
share this

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Reggee Bonoan - June 14, 2023 - 12:19 PM

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Benedict Mique at Gina Alajar

SA unang pagkakataon ay inamin ng aktor na si Ricky Davao na hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila ng asawang si Jackie Lou Blanco kahit matagal na silang hiwalay.

Kasama kasi ni Ricky ang non-showbiz girlfriend niya sa mediacon ng pelikula nila ni Direk Gina Alajar na may titulong “Monday First Screening” na ginanap sa EVM Convention Center nitong Lunes produced by NET 25 Films.

Ang sagot ni Ricky sa tanong kung annulled na ang kasal nila ni Jackie Lou, “Hindi pa. Actually, itong nangyayari ngayon is my first time to talk.

“I’m answering you (sa nagtanong) regarding annulment or ganito never akong nagsalita, di ba? But since lumabas nga ‘yung kay Kuya Boy (Abunda, panayam kay Jackie Lou) natanong but truly I never talk about it,” malumanay na sagot ng aktor.

May plano pa ba sila ni Jackie Lou na ipawalang-bisa ang kasal nila, “Wala naman (pa), siguro ano, I will cross the bridge when we get there,” napangiting sagot ni Ricky.

Baka Bet Mo: Andre Brouillette ipinakilala sa socmed ang non-showbiz GF, netizens na-shookt: ‘Kamukha ni Lou!’

Samantala, hiningan ng reaksyon ang aktor at direktor tungkol sa sinabi ng nanay ng mga anak niya na nanghihinayang ito sa paghihiwalay nila base pa rin ito sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk.”

Nakangiting sabi ni Ricky, “Hindi ko napanood but I heard about it, well we all have our regrets, di ba? It happens but we have to move on.”

Kahit na matagal nang hiwalay ang mag-asawa ay nananatiling open ang communication nila at okay sila lalo na kapag tungkol sa mga anak ang pinag-uusapan.

May nagsabi naman na kapag tine-text daw si Ricky ni Jackie Lou ay hindi naman daw siya sumasagot, “Hindi naman sa hindi sumasagot or ano kasi busy (ako), pero pag nabasa ko may response kaagad physically (pinupuntahan agad).

“Kung may (kailangan) na ganito, padala agad. Pag kailangan ni Ken (anak nila) o ni ganito, nangyayari naman. Not at all (ini-ignore ang messages),” esplika ni Ricky.

Alam ba ng ina ng mga anak ng aktor ang tungkol sa bago niyang karelasyon? “Hindi pa nakilala, pero the kids na-meet na nila.”

Si Jackie Lou kaya ay may bago na ring karelasyon ngayon? Ngumiti muna si Ricky, “I’m not at liberty. Ha-hahahaha! Saka okay lang (kung mayroon na).”

Kinlaro rin ng aktor na hindi sadyang non-showbiz ang karelasyon niya ngayon dahil ayaw na niya sa artista, “Kahit anong industry kung tatamaan ka, tatamaan ka, it just happened.”

May maipapayo ba ang aktor sa mga mag-asawa na may pinagdaraanan? “Mahirap mag-comment kasi iba-ibang sitwasyon, iba-ibang style, iba how they deal with their problem, so respeto na lang kung anuman ‘yun.  Some talaga out and some are quiet.”

Hindi rin daw gagawin ng aktor na siraan ang ina ng kanyang mga anak tulad ng ibang couple na naghiwalay na saka naglalabasan ng kanilang mga isyu.

Umiling si Ricky, “Hindi ko gagawin, for me that’s something very private and personal.”

Anyway, nadulas si Ricky na may kissing scene sila ni direk Gina sa “Monday First Screening” at naaliw siya at nagbirong nag-toothbrush siya pagkatapos.

“At our age, di ba?  We’re very, very close. Yung sitwasyon ngayon may kilig.  ‘Yung sa amin ni Gina rito malalim ‘yung samahan,” kuwento ni Ricky.

“Full of love,” ang paglalarawan sa kissing scene nila ni Ricky at Gina. At ang tawagan daw nila ay “loveteam.”

Ang “Monday First Screening” ay isinulat at idinirek ni Benedict Mique kasama si Aya Anunciacion. Nasa pelikula rin sina Soliman Cruz, Che Ramos, David Shouder, Allen Abrenica, Reign Parani at Ruby Ruiz.

Jackie Lou Blanco sa relasyon nila ngayon ni Ricky Davao: ‘I can’t say we’re chummy-chummy but it’s so much better now’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jackie Lou Blanco naiyak nang umamin ang anak na isa siyang lesbian: ‘I was so thankful that she has the courage to tell me’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending