Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz dyowa | Bandera

Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz dyowa

Ervin Santiago |June 13,2023
facebook
share this

Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz dyowa

Ervin Santiago - June 13, 2023 - 11:50 AM

Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz GF

Ricky Davao, Malca Darocca, Benedict Mique at Gina Alajar

SA kauna-unahang pagkakataon, inamin ng award-winning veteran actor na si Ricky Davao na super in love siya ngayon.

Yes, yes, yes mga ka-Marites, mukhang natagpuan na nga ni Ricky ang kanyang “forever” kaya sa mga umaasa na baka pwede pa silang magkabalikan ng ex-wife niyang si Jackie Lou Blanco, mukhang imposible na itong mangyari sa ngayon.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Ricky sa grand mediacon para sa bago niyang pelikula kasama si Gina Alajar, ang “Monday First Screening” na idinirek ni Benedict Mique under NET25 Films na ginanap sa EVM Convention Center kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricky Davao (@rickyad)


Medyo nakaka-relate nga ang beteranong aktor sa kuwento ng pelikula na tatalakay sa istorya ng dalawang taong na-in love sa isa’t isa nang magkakilala sa libreng sine para sa mga senior citizen tuwing Lunes.

Sabi nga niya about their movie, “Di ba, si Charlie Chaplin ikinasal when he was 89 yata o 88 years old. Tapos si Robert de Niro (nagka-baby pa). So, very timely lang talaga tong Monday First Screening. Ano lang, kailangan lang maging happy.”

Natanong si Ricky sa naturang presscon kung nai-in love pa rin ba siya ngayong  senior citizen siya, ang mabilis na sagot ng aktor ay, “Yes!” na halatang kilig na kilig.

Baka Bet Mo: Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’

Mas bata raw sa kanya ang kanyang girlfriend na nagngangalang  Malca Darocca, ngunit hindi naman daw sobrang malayo ang agwat ng kanilan LG edad. Kasama rin niya ang girl sa presscon ng “Monday First Screening” pero hindi na niya ito naipakilala sa press.

Sabi ni Ricky, hangga’t maaari ay nais niyang gawing pribado ang kanilang relasyon para tahimik lang at iwas-intriga. Sa katunayan, kahit ang malalapit niyang kaibigan ay hindi masyadong aware sa kanyang lovelife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NET25 (@net25tv)


“It’s an open book naman. Kaya lang ako, I’m not very open about it. Ayoko naman magsinungaling. I’m very very outgoing person, but when it comes to myself, my family life, and my love life, siguro I share a bit.

“Even my closest friends, sina Tirso (Cruz III), sina Rez (Cortez), Michael (de Mesa), biglang nagugulat, ‘Ay, meron ka na pala!’ Parang need-to-know basis, hindi ko inaano (ipinangangalandakan),” pagbabahagi pa ni Ricky.

Hindi pa sure kung sa sinehan ipalalabas ang “Monday First Screening” o sa streaming app na Netflix. Ngunit ang sigurado, tuloy ang pagpapa-block screening ng NET25 Films sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Samantala, napuno ng sikat na celebrities ang EVM Convention Center para saksihan ang premiere ng first ever movie ng NET25 Films na “Monday First Screening.

Matagumpay ang launch ng tinaguriang “senior citizen rom-com” movie nina Gina at Ricky.  Kasama rin dito sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Allen Abrenica (kapatid nina Aljur at Vin) at Bb. Pilipinas 2nd Runner-Up Reign Parani.

Vicki Belo pinagalitan ng botante: ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Benedict Mique nanghinayang na hindi napasama ang ‘Monday First Screening’ sa Summer MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending