Joshua hindi lang ‘higop’ ang ginawa kay Gabbi sa kissing scene nila sa ‘Unbreak My Heart’: ‘Grabe naman! Minukbang yarn!’
VIRAL na ngayon ang nakakalokang halikan nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa isa nilang eksena sa primetime series na “Unbreak My Heart” na napapanood gabi-gabi sa GMA 7.
Yes, yes, yes mga ka-Marites muli na namang ipinamalas ni Joshua ang kanyang galing sa paghalik at paghigop sa maiinit na eksena nila ni Gabbi sa nasabing teleserye.
Sabi nga ng ilang manonood, hindi lang daw “higop” ang ginawa ni Joshua kay Gabbi sa nasabing eksena kundi parang “minukbang” na raw niya ang dalaga dahil nakarating na rin ang kanyang labi sa leeg at balikat nito.
View this post on Instagram
Sa video na in-upload sa Facebook page na “Kapamilya Online World”, sandamakmak ang nag-post ng kanilang reaksyon nang mapanood ang “mukbangan” scene nina Joshua at Gabbi.
“Huy grabe ka na talaga Joshua Garcia!!! Sabi niya tuturuan ka niyang magmasa hindi yung siya ang mamasahin mo!!!! Hoyyyy,” ang nakalagay sa caption ng nasabing video.
Baka Bet Mo: Gabbi ninerbiyos nang bonggang-bongga nang makaeksena si Jodi; nakapikit lang sa ‘kitchen scene’ nila ni Joshua
“Puwede na sa Vivamax si Joshua hahahaha.”
“Grabe ka na Juswaaaaa”
“Omg omg di lang higod may sayad pa ng labi sa leeg. Ang swerte mo Gabbi.”
View this post on Instagram
“Buti na lang naiintindihan ko na part lang ng work mo ‘yan loveeeee…”
“Minukbang si Gabbi hahaha.”
“I can’t take it anymore!”
Bukod kay Gabbi, “hinigup-higop” din ni Joshua ang isa pa niyang leading lady sa “Unbreak My Heart ” na si Jodi Sta. Maria kaya naman maraming lalaki ang nagsasabi na parang naka-jackpot na rin sa lotto ang aktor.
Nauna nang sinabi ni Gabbi na walang problema sa boyfriend niyang si Khalil Ramos ang mga intimate scenes nila ni Joshua. Alam naman daw nito na trabaho lang ang ginagawa niya – walang personalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.