Joshua nag-share ng mga sikreto kina Jodi at Gabbi habang nasa Switzerland: 'Sila ‘yung nandiyan para makinig ng kung anu-anong istorya ko' | Bandera

Joshua nag-share ng mga sikreto kina Jodi at Gabbi habang nasa Switzerland: ‘Sila ‘yung nandiyan para makinig ng kung anu-anong istorya ko’

Ervin Santiago |May 28,2023
facebook
share this

Joshua nag-share ng mga sikreto kina Jodi at Gabbi habang nasa Switzerland: ‘Sila ‘yung nandiyan para makinig ng kung anu-anong istorya ko’

Ervin Santiago - May 28, 2023 - 07:49 AM

Joshua nag-share ng mga sikreto kina Jodi at Gabbi habang nasa Switzerland: 'Sila ‘yung nandiyan para makinig ng kung anu-anong istorya ko'

Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia

ABANGERS na ang mga fans nina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia sa mga pasabog at shocking na eksena na ginawa nila sa seryeng “Unbreak My Heart.”

Siguradong sanib-pwersa rin ang mga Kapamilya at Kapuso viewers sa pagsuporta sa una at historic collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 kasama ang Viu Philippines na magsisimula na sa May 29.

Ngayon pa lang ay atat na atat na ang mga manonood sa kontrobersyal na pakikipaghalikan at pakikipag-love scene ni Joshua kina Jodi at Gabbi sa “Unbreak My Heart.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aminado si Joshua na medyo nahirapan din siya sa kissing scene nila ni Jodi kahit pa sumailalim na sila sa sensuality workshop. Pero nakatulong naman daw ito para mas ma-set ang limitations sa bawat intimate scenes.

“Nag-prepare kami, dumaan kami sa international sensuality workshop.

“And then du’n namin nasabi ‘yung mga limit namin, ‘yung boundaries kung hanggang saan lang ‘yung kaya naming ibigay. ‘Yung direktor ‘yung tumahi nu’n para sa amin.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project

“Actually akala ko sobrang hirap talaga niya pero I think dahil sa tiwalang ibinigay sa akin ni Ate Jodi, sa alalay nina Direk Manny (Palo) at Direk Dolly (Dulu), mas naging madali ‘yung eksena,” ang paliwanag ni Joshua sa presscon ng serye.

Sa panayam naman ng “Fast Talk With Boy Abunda”, sabi ni Joshua, “Mabuti na lang dumaan kami sa sensuality workshop with an international sensuality (workshopper).

“Natulungan kami, naging detalyado kami the way we kiss, kung gaano katagal,” dagdag pa ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Doon kasi sa sensuality workshop, doon mo malalaman ‘yung kung hanggang saan lang ang limit mo, kung hanggang saan ang puwede mong hawakan, puwede mong halikan, gaano katagal, sobrang detailed. Kung may tongue ba ‘yan, without tongue, lahat.”

Sundot na tanong ni Tito Boy, “May tongue ba?” Mabilis na sagot ni Joshua, “Wala.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung ano ang pagkakaiba ng paghalik on screen at sa tunay na buhay, “Ang difference lang siguro is, dito kasi walang tongue. Sa totoong buhay, you can use your tongue, right?”

Samantala, naniniwala naman si Joshua na kahit tapos na ang serye nila ay mananatili pa rin ang friendship nila ni Gabbi.

“Magaan siyang katrabaho. Siya ‘yung masasabi ko na, feeling ko close pa rin kami pagkatapos nitong show, magkaibigan pa rin kami. Magaan siya kasi nakakapag-open up ako sa kanya.

“‘Di ba nag-shoot kami abroad, malayo kami sa Pilipinas, siyempre hindi maiwasan na ma-miss ‘yung pamilya mo, ‘di ba?

“And Gabbi and Ate Jodi, sila ‘yung nandiyan para makinig ng mga kung anu-anong istorya ko. And as an actor, sobrang giving and professional siya, at maalaga siya sobra,” aniya pa.

Kinunan ang “Unbreak My Heart” sa  Switzerland, Italy, at ilang bahagi ng Pilipinas mula sa Dreamscape Entertainment.

Ang “Unbreak my Heart” ay mapapanood sa May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, ay I Heart Movies, 9:35 p.m. from Mondays to Thursdays, 11:25 p.m. on GTV at available sa GMA Pinoy TV and TFC.

Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’ ng GMA at ABS-CBN: ‘Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending