Chai Fonacier nakakaloka ang role sa Hollywood psycho-thriller na 'Nocebo', shocking ang ending | Bandera

Chai Fonacier nakakaloka ang role sa Hollywood psycho-thriller na ‘Nocebo’, shocking ang ending

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 07:30 AM

Chai Fonacier nakakaloka ang role sa Hollywood psycho-thriller na 'Nocebo', shocking ang ending

Eva Green at Chai Fonacier

NAKAKALOKA rin pala ang role ng magaling na Filipina actress na si Chai Fonacier sa international psychological suspense-thriller movie na “Nocebo”.

Ang “Nocebo” ay isang Latin word na ang ibig sabihin ay “I shall harm” o “makapanakit” sa Tagalog. At yan nga ang tema ng pelikula ni Chai na pinagbibidahan din ng French actress na si Eva Green at British actor na si Mark Strong.

Napanood na namin ang “Nocebo” sa ginanap na special screening sa Shang-ri La EDSA Red Carpet cinema nitong nagdaang January 11 at in fairness, nag-enjoy kami sa movie na hindi namin in-expect na maaapektuhan kami nang bonggang-bongga sa tema at konsepto nito.

Tungkol ito sa OFW na si Diana (Chai) na natanggap na yaya sa isang pamilya mula sa Dublin, Ireland. Sa pagdating niya roon, malalaman niya na ang amo niyang babaeng si Christine, na isang fashion designer, ay tatamaan ng misteryosong sakit.

At dahil may taglay na kapangharihang manggamot, tinulungan ni Diana si Christine para magamot ang hindi matukoy na sakit nito.

Ngunit walang kaalam-alam ang pamilyang pinaglilingkuran ni Diana sa tunay na dahilan kung bakit siya napadpad sa bahay na iyon. Siyempre, hindi na namin ikukuwento ang nakakalokang twist at ending ng “Nocebo” para ma-shock din kayo.

Pero ang tunay na bida sa pelikula ay si Chai dahil sa kanya talaga iikot ang kuwento. At in fairness, hindi siya nagpatalbog sa mga co-stars niya sa movie dahil napakagaling ng aktres sa lahat ng eksena niya.

As in matatakot ka talaga sa mga pinaggagawa niya sa “Nocebo” bilang isang albularyo. Hindi lang kami sure kung mangkukulam o mambabarang ang kanyang role pero isa lang ang sigurado kami, ikaka-shock n’yo ang ending ng “Nocebo” at baka matakot nang kumuha ng yaya sa Pilipinas ang mga foreigners. Kaloka!

Samantala, ayon kay Chai, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakatrabaho niya sa isang proyekto sina Eva Green at Mark Strong.

“During rehearsals, I would forget that I’m part of the scene, kasi it’s such a joy watch them work,” pahayag ni Chai sa presscon after the screening.

Isa sa mga nakatulong kay Chai para magampanan nang makatotohanan ang kanyang role ay ang pagiging bukas niya sa mga traditional healing practices tulad ng hilot at tawas.

“I grew up with that kind of stuff. I think a lot of Filipinos grew up with that sort of stuff na kapag nilalagnat ka, yung nanay mo, bibigyan ka ng gamot pero tatawagin din niya yung local manghihilot just to make sure na normal na lagnat siya at hindi dahil sa white lady sa may punong mangga,” pagsasalaysay ni Chai.

Nagkuwento rin ang aktres nang mapag-usapan ang tungkol sa mga gamit na naka-display sa labas ng sinehan partikular na ang mga vodoo doll na nakasabit sa entrance at exit door.

“The props outside are the actual props that we used for Diana [pangalan ng karakter niya] in the film and they were sourced in places like Quiapo, which means they are actual items that practitioners use.

“We also consulted a local shaman about how to handle these things because you’re not going to lose anything, to take extra precautions.

“There was another item where we were instructed specifically not to bring along with us if we’re going to pass by a cemetery.Huwag daw idadaan sa sementeryo.

“So the production design came in Ireland, ‘Okay, let’s check the routes really quick,’ from the unit base to the location we’re shooting at, and they said ‘We have checked, there are no cemeteries in any of the routes that we’re taking,'” lahad pa ni Chai.

Marami ang nagsasabi na posible ring mapansin ng mga international award-giving body si Chai tulad ni Dolly de Leon, dahil sa ipinamalas niyang akting sa “Nocebo” na idinirek ng award-winning Irish filmmaker na si Lorcan Finnegan.

Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa January 18, produced by Brunella Cocchiglia and Emily Leo and co-produced by Epicmedia and distributed by TBA Studios.

Barbie Hsu ikinasal sa ex-dyowang si Koo Jun-Yup

Kalurks: James Reid biglang huminto sa pag-aaral nang malamang binebenta ng schoolmates ang litrato niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn, Daniel nag-explain kung bakit hindi na na-extend ang ‘2 Good 2 Be True’: Lahat naman may ending talaga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending