Chai Fonacier nagbabala, alagaan ang kalikasan: Ito lang ang tahanan natin
NAGPAALALA ang international Filipino actress na si Chai Fonacier tungkol sa lumalalang lagay ng ating kalikasan.
Sa isang Facebook reel na ibinahagi ng “A Thousand Forests” Facebook page, ibinandera nito ang mensahe ng international star tungkol sa patuloy na lumalalang climate change na nararansan sa buong mundo.
Ani Chai, isang malaking kontribusyon sa lumalalang pangyayari sa ating kalikasan ay mula rin sa ating mga tao.
“‘Yung mga nangyayari sa mundo, ang tigas ng ulo ng mga tao. And this is a conversation that needs to be repeated over and over until ma-gets natin na ito lang ‘yung tahanan natin.
View this post on Instagram
“‘Pag nasira natin ito, wala, ubos talaga tayong lahat. Mula sa mga pinakamaliliit na creatures hanggang sa atin— tayong mga tao,” lahad ni Chai.
Chika pa niya, noon pa man ay palagi nang ipinapahayag ang mensaheng dapt ay alagaan ang kapaligiran ngunit sa kabila nito ay tila wala naman tayong natututunan sa mga nangyayari.
“And paulit-ulit na ‘tong sinasabi simula pa noong mga bata tayo, sa schools, [sinasabi na] ‘Save the environment’, ‘Save the Earth’ pero you know, it’s still the same. And it’s the way that the Earth is becoming worse over the years is doing so at a very alarming rate,” sey ni Chai.
Kaya naman dapat daw ay patuloy na ipaalala sa mga tao ang laban ukol sa pangangalaga sa kalikasan.
“Kaya kailangang magdagdag sa conversation as much as we can in whatever way that we can. And to be part of this is one way to contribute to that [advocacy],” sabi ni Chai.
Kaya naman masaya ang aktres dahil sa kanyang sariling kakayahan ay maaari siyang maging parte sa pagbibigay mensahe ng solusyon para sa lumalalang lagay ng kalikasan.
Para sa mga hindi aware, isa si Chai sa mga cast ng “A Thousand Forests”, isang advocacy film na naglalayong ipahatid sa mga tao na dapat ay simulan na ngayon ang pagkilos upang labanan ang lumalalang lagay ng ating kapaligiran.
Ang naturang pelikula ay iikot sa istorya ng limang bata tungo sa kanilang journey ng pagtuklas ng mga paraan kung paano makatulong sa pangangalaga sa kalikasan habang tinutuklas at minamahal ang iba pang aspeto sa kanilang sarili.
“Iniimbitahan ko po kayong lahat, let’s watch ‘A Thousand Forests’. I think it’s a very good film to see especially with your kids. We’ll see you in the cinemas!” paanyaya ni Chai.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang social media pages ng “A Thousand Forests” sa Facebook, Instagram, TikTok, at X pati na rin sa kanilang website na athousandforests.org.
Ilan pa sa mga makakasama ni Chai ay sina Pagbibidahan nina Santino Juan Santiago, Dennah Bautista, Ramjean Entera, James Mavie Estrella, at Venice Bismonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.