Barbie Hsu ikinasal sa ex-dyowang si Koo Jun-Yup | Bandera

Barbie Hsu ikinasal sa ex-dyowang si Koo Jun-Yup

Therese Arceo |March 09,2022
facebook
share this

Barbie Hsu ikinasal sa ex-dyowang si Koo Jun-Yup

Therese Arceo - March 09, 2022 - 01:20 PM

Barbie Hsu ikinasal sa ex-dyowang si Koo Jun-Yup
MULING ikinasal ang “Meteor Garden” lead star na si Barbie Hsu kay South Korean rapper na si Koo Jun-Yup.

Matapos nga ang pormal na pakikipaghiwalay ng ating original San Chai sa kanyang asawang businessman na si Wang Xiaofei ay natagpuan agad ng aktres ang magpapaligaya sa kanyang puso.

Hindi naman rin kataka-taka kung mabilis ang pagpapakasal nina Barbie at Jun-Yup dahil matagal nang magkakilala ang dalawa.

Sa katunayan, naging mag-dyowa na ang dalawa, twenty years na ang nakalilipas.

Isang taon rin ang naging magkarelasyon noon sina Barbie at Jun-Yup bago sila mag-hiwalay.

Ayon nga sa Instagram ni Jun-Yup na mas kilala bilang DJ Koo, “destiny” raw ang muling pagkikita nila matapos ang matagal nilang pagkakawalay sa isa’t isa.

Nang mapag-alaman kasi ng South Korean rapper ang pakikipag-divorce ni Barbie ay agad nitong minessage ang aktres sa dating number na gamit nito two decades ago.

Agad namang siyang nag-propose sa dating dyowa at nagulat ito nang makatanggap ng “Yes” mula rito.

“We are at an age where we cannot waste away our time idly, and so I suggested that we get married and she said yes, so we will be living together after registering our marriage. Please congratulate me on my late marriage,” saad ni Jun-Yup.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by koo (@djkoo)

 

Taong 2011 nang unang ikasal si Barbie sa kanyang dating asawang si Wang Xiaofie at nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Wang Hsi-Yueh at Wang Hsi-lin.

Nobyembre 2021 naman nang ianunsyo nila ang kanilang divorce ni Wang Xiaofei.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naging parte naman si Koo Jun-Yup o DJ Koo ng duo na “Clon” na nag-debut noong 1996.

Related Chika:
Taiwanese star Barbie Hsu hiwalay na sa asawang businessman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending