DJ Koo may pasaring nga ba kay Wang Xiaofei?
NAGSALITA na ang asawa ni Barbie Hsu na si DJ Koo o si Koo Jun-yup tungkol sa mga kumakalat na espekulasyon sa hatian ng napapabalitang naiwang multimillion-dollar fortune ng namayapang aktres.
Nitong Huwebes nang gabi, February 6, nag-post ang South Korean DJ-producer sa kanyang Instagram account.
Ayon kay DJ Koo, hindi niya palalagpasin ang ginagawang paninira sa kanyang pamilya tungkol sa isyu ng usaping pera.
Ito rin ang unang beses na magsasalita ang DJ-producer mula nang mapabalitang pumanaw na noong February 2 ang asawang Taiwanese actress.
Baka Bet Mo: Sandara Park kay Barbie Hsu: ‘I got influenced by you since I started my career’
“On February 2, 2025, my angel returned to heaven. First, I would like to express my deep gratitude to all those who mourned Heewon,” saad ni DJ Koo.
Para sa mga hindi aware, “Seo Hee-won” ang Korean name ni Barbie.
Pagpapatuloy ni DJ Koo, I am currently going through a time of indescribable sorrow and pain, and a time of heartbreaking pain.
“I had no strength to say anything, and I did not want to say anything.”
Dito ay nabanggit niya na may mga masasamang tao ang nagsisimulang gumawa ng kasiraan laban sa kanilang pamilya.
Lahad ni DJ Koo, “But even before the pain of great loss and the time of mourning passed, devilish people began to slander our family and my love.
“Some people pretend to be sad and walk around in the rain, and others try to hurt our family by creating fake news about insurance and expenses.
“I am afraid that such evil people really exist in the world.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsabi na tila pinapasaringan nito ang dating asawa ni Barbie na si Wang Xiaofei.
Kasabay kasi ng pagkamatay ni Barbie ay ang kumakalat na chika tungkol sa naiwang properties at real estate properties ng asawa ni DJ Koo.
May mga naiulat ang ilang international online news sites gaya ng Mirror Media na tumanggap si Barbie moon ng $19M mula sa naging hatian ng total assets nila ng dating asawang si Wang Xiaofei na isang Chinese businessman noong mag-divorce sila noong 2021.
Sa report naman ng Sohu ay may iniwang 720-square-meter villa si Xiaofei para sa dalawang anak nila ng Taiwanese actress.
Paniniyak naman ni DJ Koo na iiwan niya lahat ng assets ng namayapang asawa sa kanyang mother-in-law at nakiusap na itigil na ang pang-iintriga sa kanya.
“Please, can you not just stay still so that Heewon can rest in peace? Please, I beg you.
“And I will tell you about the precious legacy Heewon left behind. All of that legacy was saved through the sweat and tears of Hee-won while she was alive to protect her beloved family, so I plan to give all authority over me to my mother-in-law.
“I plan to take legal action through a lawyer to protect my children until they become adults so that bad people cannot touch them,” sey ni DJ Koo.
Nagpasalamat naman ang DJ-producer sa lanat ng mga taong nagpaabot ng pakikiramay at pagmamahal sa pagkamatay ni Barbie.
Ani DJ Koo, “The time I spent with Hee-won was a precious and valuable gift that I cannot trade for anything in the world.
“I think that protecting Hee-won’s beloved family is the last thing I will do.
“Lastly, I bow my head once again and express my gratitude to everyone who loved and mourned our Hee-won so much.
“Hee-won’s eternal love, Jun-yup,” mensahe pa ni DJ Koo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.