Assets ni Barbie Hsu paghahatian nina DJ Koo, 2 anak

Assets ni Barbie Hsu paghahatian nina DJ Koo, 2 anak

Therese Arceo - March 09, 2025 - 06:13 PM

Assets ni Barbie Hsu paghahatian nina DJ Koo, 2 anak

MAPUPUNTA ang lahat nang naiwang yaman ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa kanyang asawang si DJ Koo at dalawang anak.

Ayon sa mga inilabas na ulat ng Taiwan media sites, kinumpirma nito na kasama ang South Korean DJ-producer sa mga magmamana ng multimillion-dollar fortune ng “Meteor Garden” actress kahit na tumanggi na ito noong una.

Nasa 600 million yuan o katumbas na ng PHP4.7 billion ang total estate na paghahatian ni DJ Koo, at ng 10-year-old daughter at 8-year-old son ni Barbie.

Ngunit dahil parehong menor de edad ang mga bata ay ang biological father nila at dating asawa ng aktres na si Wang Xiaofei muna ang magma-manage ng mana ng mga ito hanggang sa ma-reach nila ang legal age.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes basag na basag matapos makiramay sa pagkamatay ni Barbie Hsu

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Si Xiaofei rin ang pinagkalooban ng custody ng dalawang anak nila ni Barbie.

Matatandaang noong February 6, 2025 nang magsalita si DJ Koo patungkol sa naiwang assets ni Barbie Hsu.

Pag-amin niya, nagkaroon sila ng premarital agreement o isang kasunduan sa pangangalaga ng kani-kaniyang assets sakaling sila ay maghiwalay.

“On February 2, 2025, my angel returned to heaven. First, I would like to express my deep gratitude to all those who mourned Heewon [Korean name ni Barbie].

“I am currently going through a time of indescribable sorrow and pain, and a time of heartbreaking pain. I had no strength to say anything, and I did not want to say anything. But even before the pain of great loss and the time of mourning passed, devilish people began to slander our family and my love,” lahad ni DJ Koo.

Plano niyang ibigay ang mga pinaghirapang ari-arian ni Barbie sa ina ng aktres.

“All of that legacy was saved through the sweat and tears of Hee-won while she was alive to protect her beloved family, so I plan to give all authority over me to my mother-in-law.

“I plan to take legal action through a lawyer to protect my children until they become adults so that bad people cannot touch them,” sey pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit sa kabila nito ay napag-alamang hindi pala naka-notaryo ang naturang prenup agreement kaya wala itong bisa.

Base nga sa mga legal experts sa Taiwan, kahit gustuhin ni DJ Koo na huwag kunin ang mamanahin niya kay Barbie at ilipat ito sa nanay ng aktres ay hindi ito papayagan ng korte.

At kung ayaw niya itong tanggapin ay mapupunta ang kanyang parte sa mga anak ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending