Vicki Belo pinagalitan ng botante: 'Akala ko ba pang-senior lang itong area na 'to? Bakit nandiyan iyan?' Bandera

Vicki Belo pinagalitan ng botante: ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Vicki Belo pinagalitan ng botante: ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

Ervin Santiago May 14, 2022 - 08:08 AM

Vicki Belo

HINDING-HINDI makakalimutan ng celebrity cosmetic and beauty doctor na si Vicki Belo ang naging karanasan niya nang bumoto last Monday, May 9, kasama ang kanyang pamilya.

Isa si Dra. Vicki sa mga kilalang celebrity na talagang nag-effort at naglaan ng oras para magtungo sa voting precinct at iboto ang mga pinaniniwalaang kandidato.

Nakasama niya ang kanyang asawang si Hayden Kho Jr., pati na ang ex-husband na si Atom Henares, anak na si Quark Henares at misis nitong si Bianca.

Ibinahagi ni Vicki sa isang video na ipinost niya sa Instagram nitong nagdaang Huwebes, May 12, ang ilang ganap sa kanilang polling precinct kabilang na ang isang botante na nagalit habang nakapila.

Ang maikling caption na isinulat niya sa kanyang IG post ay, “Senior moment.”

“It’s just a light story because the mood is a bit heavy. So, last Monday, when I went to vote, I was with Hayden, Quark, Bianca, and Atom,” simulang pagbabahagi ni Vicki.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento, “When we got there, ang haba ng line. Grabe!

“So, for the first time, kahit ayokong aminin, umamin na po ako na senior na po ako. Kasi I saw the line in the senior, medyo short.

“So I went to the senior line and I said, ‘Excuse me po, is this the line for senior?’

“Sabi ng girl du’n, ‘Senior?’ Sabi ko, ‘Yes!’

“And she goes, ‘O sige, you sit here. What’s your number?’” chika ng misis ni Hayden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)


“And then when I sat there, bigla na lang narinig ko from the back, may medyo galit! Sabi niya, ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

“Ohhhh!” ang tanging reaksyon lang daw niya nang marinig ang pagkaimbiyerna ng nasabing botante nang makita ang pagpila niya niya sa senior citizen voters’ lane.

“Should I be mad or happy because she didn’t think I was a senior, and so I guess I’m happy!

“Thank you very much! It’s the best compliment I’ve ever receive ‘coz it’s so genuine!” kuwento pa ni Vicki na 65 years old na ngayon.

Sa isang IG post, nabanggit ni Hayden ang ilan sa mga rason kung bakit parang hindi tumatanda ang kanyang asawa — “because her heart is pure and childlike.”

“In everything she does she wants to honor God. She never compromises on truth and integrity. She’s very generous and is always willing to help. She’s an angel for many and a ‘fairy godmother of beauty,’” pahayag ni Hayden.

Vicki Belo umamin: I’m one of those women who needs a man, I feel that’s a weakness…

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending