Benedict Mique nanghinayang na hindi napasama ang ‘Monday First Screening’ sa Summer MMFF
NANGHIHINAYANG si Direk Benedict Mique na hindi napasama sa 1st Summer Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Monday First Screening” na pagbibidahan nina Direk Ricky Davao at Gina Alajar na produced ng NET25 Films.
‘Bakit Monday First Screening ang titulo?’ tanong namin sa direktor.
Aniya, “Monday First Screening tungkol sa mga senior citizens na nagka in love-an sa panonood ng free screening tuwing Monday sa sinehan na libre. Maganda na-test na namin ilang beses sa audience iba-ibang age, kinikilig at umiiyak sila. Kaya nga no. 1 daw kay Tita Boots (Anson-Rodrigo).”
Sa pagkakaalam namin ay si Ms. Boots Anson–Rodrigo ang head ng screening committee kaya tinanong namin si direk Benedict kung nakausap niya ito para malaman niyang number 1 para sa kanya ang pelikula nina direk Ricky at Gina.
View this post on Instagram
“Nakarating lang sa akin kasi natanong yata si tita Boots sa presscon nu’ng i-announce ‘yung final 8 para sa Summer film festival at nalaman na rin ni direk Gina.” sagot ng direktor.
Diin pa ni direk Mique, “100 percent sure akong maganda ‘yung movie (Monday First Screening) at magaling mga performances pati mga support.”
Naniniwala naman kami na maganda ang pelikulang “Monday First Screening” dahil kuwentong pag-ibig ito ng dalawang senior na hindi naman madalas itong napapanood sa big screen dahil kadalasan ay parang Gen Z at Millennial lang.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay walang alam si direk Benedict kung kailan ito ipalalabas ng NET25 Films dahil hindi pa siya nasasabihan.
Baka naman puwede nila ulit itong ipasok sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December?
Samantala, masaya si direk Benedict sa magandang feedback ng pagtatapos ng “Darna” TV series na isa siya sa direktor at talagang ipinagmamalaki niya ito dahil noong nasa Amerika raw siya ay last December ay pinag-uusapan ng mga Pinoy doon ang programa nina Jane de Leon at Janella Salvador.
Related Chika:
Direk Benedict Mique super excited na sa ‘dream project’ kasama sina Gina Alajar at Ricky Davao para sa ‘senior citizen romcom’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.