Christine Bermas nag-frontal sa 'Scorpio Nights 3', naiyak sa presscon; Mark Anthony nagpakita ng pagkalalaki | Bandera

Christine Bermas nag-frontal sa ‘Scorpio Nights 3’, naiyak sa presscon; Mark Anthony nagpakita ng pagkalalaki

Ervin Santiago |July 28,2022
facebook
share this

Christine Bermas nag-frontal sa ‘Scorpio Nights 3’, naiyak sa presscon; Mark Anthony nagpakita ng pagkalalaki

Ervin Santiago - July 28, 2022 - 07:47 AM

Christine Bermas, Mark Anthony Fennandez at Gold Aceron

BIGLANG napaiyak ang Vivamax bombshell na si Christine Bermas sa private screening at mediacon ng pasabog at nakakaloka niyang pelikula, ang “Scorpio Nights 3.”

Napanood na namin ang ikaapat (kabilang na ang Korean remake nito) na version ng classic movie ng award-winning director na si Peque Gallaga at masasabi naming ito na ang pinakapalaban, pinaka-shocking at pinakamaraming sex scenes sa lahat.

Ito ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo at isinulat ng screenwriter na si Roy Iglesias.

Ang unang version nito ay pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez na gumanap bilang asawa ng yumaong aktor na si Orestes Ojeda na nagkaroon ng affair kay Daniel Fernando.

Ganito rin ang pinakasentro ng kuwento ng “Scorpio Night 3” ni Christine na live-in partner ni Mark Anthony Fernandez at pumatol sa malibog na college student na ginagampanan ng award-winning indie actor na si Gold Aceron.

Kahit na inaasahan na namin na sandamakmak ang mga sex scenes sa pelikula dahil nga ito ang naging tatak ng mga naunang remake nito, shookt pa rin kami nang mapanood ang kabuuan ng pelikula.

Siguradong hindi mabibitin ang mga manonood sa “Scorpio Nights 3” dahil mula simula hanggang ending ay mabubusog ang viewers sa napakaraming kangkangan at churvahan scenes nina Christine, Mark Anthony at Gold — sa iba’t ibang posisyon!

Idagdag pa riyan ang eksena ni Christine na bino-blowjob si Gold but with sa shocking twist. Kung ano yun, panoorin n’yo na lang sa Vivamax. Ha-hahahaha! Bawal daw ang spoiler!

At para naman sa mga nagtatanong, yes, nag-frontal din sina Mark at Gold sa pelikula at talagang nagpakita ng kanilang mga pagkalalaki. Pero kayo na ang bahala kung totoo ba ‘yun o peke. Ha-hahaha!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


Para sa amin, ito na ang pinakamalupet na pelikula ni Christine, hindi lang kasi siya basta naghubad sa movie kundi pinatunayan din niya na isa siyang aktres na marunong umarte.

Ito ang dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang maiyak sa presscon ng pelikula after ng special screening nito sa Gateway Cinema kagabi. Puring-puri kasi siya ng lahat ng mga nakapanood ng “Scorpio Nights 3”.

Bukod kay Christine, sigurado kami na mano-nominate at posibleng manalo pa ng best actor award si Mark Anthony sa movie na bigay-todo sa kanyang acting, lalo na sa bandang ending kung saan nahuli niya sa akto na nagse-sex ang kanyang partner at ang kalaguyo nito.

Palakpakan talaga ang nasa sinehan sa breakdown scene ni Mark habang iyak nang iyak si Christine na talagang hubo’t hubad  sa nasabing eksena na nagmamakaawa na huwag siyang patayin.

Hindi na namin ikukuwento kung ano ang naging ending ng pelikula na naging instant topic ng mga members ng entertainment press after ng screening. May nagsabing tama ang desisyon ni Direk Law na ganu’n ang maging katapusan ng pelikula pero meron ding mga kumontra.

Samantala, natanong din si Christine kung nakaka-relate ba siya sa role niya sa pelikula at kung  Scorpio rin ba ang kanyang zodiac sign.

“No, hindi po. Virgo po ako, virgin. Yung mga character na ginagampanan ko sa movies ko, malayong-malayo sa akin kasi conservative ako in real life.

“When I face the camera, inihihiwalay ko ang personal views ko sa what I do in my work as an actress.

“Para akong may split personality. Yung Christine na nagpapa-sexy on screen, iba yung sa Christine na napapanood on screen.

“Itong ‘Scorpio Nights 3’ ang sexiest movie na nagawa ko, also the most challenging pagdating sa acting.

“In the future, I hope mabigyan ako ng more demanding dramatic roles dahil hindi ko naman balak na maging sexy star habang buhay,” sey pa ni Christine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Scorpio Nights 3” sa Vivamax bukas, July 29. Kasama rin dito sina Julio Diaz at Lou Veloso.

Vivamax star Christine Bermas certified ‘NBSB’, bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19

AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa ‘Scorpio Nights’ para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad

‘Scorpio Nights 3’ nina Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez mas pasabog ang hubaran at sex scenes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending