Ricky Davao may iniindang sakit, how true?

Ricky Davao may iniindang sakit, how true?

Therese Arceo - December 12, 2024 - 10:51 PM

Ricky Davao may iniindang sakit, how true?

HOW true kaya ang kumakalat na chika na diumano’y may iniindang sakit ang barikang aktor na si Ricky Davao?

Ang malungkot na balita ay ibinahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang show na “Cristy Ferminute” kasama ang co-host na si Romel Chika.

“Nakarating sa akin ang balita na may pinagdadaanan ngayon ang magaling na aktor at direktor na si Ricky Davao.

“Hindi po mula sa amin manggagaling kung ano po ang pinagdadaanan niyang sakit ngayon,” saad ni Cristy.

Baka Bet Mo: Pamangkin ni Ricky Davao Vivamax hunk na; Dyessa ‘di alam ang ‘donselya’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ani Cristy, mas maigi raw kung manggagaling mismo sa pamilya ni Ricky kung totoo nga ba ang balita.

“Mas maganda po kung sa kaniyang pamilya magmumula ang balita. Pero isa lamang po ang sabi ng aking source. Humihiling po ng dasal ang pamilya,” sey ng kolumnista.

Sinabihan rin ni Cristy ma magpagaling si Ricky.

“At muli po, ang ating hiling sa ating mga kababayan, bigyan po natin ng panahon para sa isang panalangin si Ricky Davao.”

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na kumpirmasyon o amumang pahayag ang kampo mg aktor kung totoo mang may iniimda itong karamdaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending