Ricky Davao nabigyan ng second chance sa lovelife; umaming hirap na hirap mag-move on kapag nabigo sa pag-ibig | Bandera

Ricky Davao nabigyan ng second chance sa lovelife; umaming hirap na hirap mag-move on kapag nabigo sa pag-ibig

Ervin Santiago |September 28,2023
facebook
share this

Ricky Davao nabigyan ng second chance sa lovelife; umaming hirap na hirap mag-move on kapag nabigo sa pag-ibig

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 07:44 AM

Ricky Davao nabigyan ng second chance sa life; umaming hirap na hirap mag-move on kapag nabigo sa pag-ibig

Ricky Davao

NANINIWALA ang award-winning veteran actor na si Ricky Davao sa second chances dahil feeling niya lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng pagkakataon na mahalin at magmahal uli.

Wala naman daw siyang trauma sa pakikipagrelasyon kahit na nga hindi nag-work out ang married life nila ng dating asawang aktres na si Jackie Lou Blanco.

Aniya, hindi rin naman naging madali para sa kanya na tanggapin at mag-move on mula sa hiwalayan nila ni Jackie Lou mahigit dalawang dekada na ngayon ang nakararaan.

“It happened 23 years ago. And we just have to move on,” sey ni Ricky sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes.

Ipinagdiinan ng aktor at direktor na walang taong may gustong masira ang kanilang relasyon bilang mag-asawa pero hindi naman daw makokontrol ng isang tao and nakatadhana.

“Ako nga, minsan nag-comment ako na ‘Itong nangyaring ito, wala sa plano ‘to.’ Akalain mo may nag-comment pa, ‘Bakit? Plano ba namin ‘yan?’

“This is a free country, you can say whatever you want,” ang chika naman ni Ricky sa mga hate comments ng netizens tungkol sa hiwalayan nila ni Jackie Lou.

Baka Bet Mo: Ysabel Ortega sa panliligaw ni Miguel Tanfelix: ‘Kailangan mahalin niya rin ‘yung nanay at tatay ko…at inaalagaan naman niya ako’

“You have to accept, move on, continue living, be positive,” sey pa ng actor-director.

Inamin pa ni Ricky, napakahirap talaga ang proseso ng pagmu-move on mula sa isang breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually, hindi ako nakaka-goodbye, ang hirap. Kahit nu’ng bata pa ako, mahirap. ‘Yung breakups kasi, may ano ‘yan eh, may galit.

“And then may denial, tapos dahan-dahan, may tatanggapin mo na ba o hindi. Mami-miss mo, atras-abante, ang hirap eh,” paliwanag niya.

And yes, in love na in love ngayon si Ricky sa kanyang girlfriend at nagpapasalamat siya na nabigyan uli siya ng second chance na magmahal at mahalin.

Isang mabilis na “Yes!” naman ang tugon ni Ricky nang tanungin ni Tito Boy kung may asim pa ba siya bilang lover o boyfriend.

Sa panayam din ni Tito Boy kay Jackie Lou sa “Fast Talk”, sinabi nitong hindi raw sana sila naghiwalay ni Ricky, “Siguro kung meron akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky (Davao), kung mababago ko siya.

“Only because I can see how affected my children were, although they are very understanding,” sey ng aktres.

“Pero you know that they have been affected in many ways. So sana, hindi na lang para hindi sila naapektuhan in those ways,” aniya pa.

Sinabi pa ni Jackie na naging maayos ang co-parenting agreement nila ni Ricky kaya wala silang naging problema sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Pokwang pinagkumpara ang itsura noon sa awra ngayon: ‘Ako, nang matauhan at mahalin naman ang sarili…tah kaa! BOOM!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sanya Lopez self-love ang payo sa mga kababaihan: Irespeto at mas mahalin natin ang ating sarili

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending