Ricky Davao nanghinayang din nang maghiwalay sila ni Jackie Lou Blanco: 'Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng broken family' | Bandera

Ricky Davao nanghinayang din nang maghiwalay sila ni Jackie Lou Blanco: ‘Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng broken family’

Ervin Santiago |September 03,2023
facebook
share this

Ricky Davao nanghinayang din nang maghiwalay sila ni Jackie Lou Blanco: ‘Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng broken family’

Ervin Santiago - September 03, 2023 - 07:04 AM

Ricky Davao nanghinayang din nang maghiwalay sila ni Jackie Lou Blanco: 'Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng broken family'

Jackie Lou Blanco at Ricky Davao

MAY panghihinayang din ang premyadong aktor at direktor na si Ricky Davao nang magdesisyon sila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco na maghiwalay na.

Ayon sa veteran actor, wala naman daw talaga sa plano niya ang masira ang kanilang pagsasama ng kanyang ex-wife at lalong hindi niya ginusto ang magkaroon ng broken family.

Aniya, marami rin siyang regrets sa breakup nila noon at totoong may mga “what if” din siya kung hindi sila naghiwalay ng aktres hanggang sa dumating din ang araw na kailangan na rin niyang mag-move on.

“Ganu’n naman talaga, e. May pagkakamali, may hindi pagkakasunduan and nu’ng nangyari ‘yun, of course, may epekto sa mga bata.

“Pero naka-move on na naman na kami, okay naman lahat,” ang pahayag ni Ricky sa panayam ng online showbiz program na “Marites University.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricky Davao (@rickyad)


Paliwanag pa ng aktor at direktor, “Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng, ang tawag ba du’n broken family o separated? Wala sa plano ‘yun e.

“Wala sa idea ‘yun, pero nangyari. So you just have to work on it, live with it, move on,” dugtong pa ni Ricky.

Matatandaang nabanggit ni Jackie Lou sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na isa sa mga gusto niyang baguhin sa kanyang nakaraan ay ang paghihiwalay nila ni Ricky.

Baka Bet Mo: Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’

Paliwanag ng aktres, “Siguro kung meron akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky, kung mababago ko siya. Only because I can see how affected my children were, although they are very understanding.”

Maayos naman daw ang naging co-parenting agreement nila ni Ricky sa mga anak nilang sina Kenneth, Rikki Mae, at Arabella kaya wala silang naging probla o isyu mula nang maghiwalay sila.

* * *

Makikisaya na rin ang Pinoy folk-pop band na Ben&Ben, ang Korean singer-songwriter na si Seori, rising Pinoy act na si Adie, at South Korean duo na MeloMance sa “ON Music Festival” na gaganapin sa Nobyembre 3 (Biyernes) sa Mall of Asia Arena.

Makakasama nila sina SUHO ng EXO, Moira Dela Torre, Darren Espanto, at wave to earth na nauna nang inaunsyo na magiging bahagi ng event upang maghatid ng saya sa Pinoy fans.

Isang selebrasyon ng diversity para sa pag-ibig sa musika ang “ON Music Festival” na hatid ng ABS-CBN Global at South Korean entertainment brand na KAMP.

Available ang tickets sa iba’t ibang SM Tickets outlets at via online sa smtickets.com.

Makisaya sa selebrasyon ng diversity ng musika at pag-ibig sa “ON Music Festival” na mula sa produksyon ng ABS-CBN Events at KAMP.

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jackie Lou Blanco sa relasyon nila ngayon ni Ricky Davao: ‘I can’t say we’re chummy-chummy but it’s so much better now’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending