Jackie Lou Blanco naiyak nang umamin ang anak na isa siyang lesbian: ‘I was so thankful that she has the courage to tell me’
TANDANG-TANDA pa ng veteran actress na si Jackie Lou Blanco kung paano umamin sa kanya ang anak na si Rikki Mae na isa siyang tomboy.
Inamin ni Jackie Lou na iniyakan niya ang pag-come out sa kanya ng anak hindi dahil nagalit o na-disappoint siya kundi humanga siya sa paninindigan at tapang nito na aminin sa kanya kung ano ang totoo.
Sa guesting ng aktres sa Kapuso afternoon talkshow na “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, ay binalikan niya ang araw nang magdesisyon ang anak na aminin na sa kanya ang pagiging lesbian nito.
View this post on Instagram
Tanong ni Tito Boy kay Jackie kung paano niya hinarap at tinanggap ang pag-amin ni Rikki Mae na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.
“I had a feeling na kasi. I think as parent you wanna ‘Baka naman hindi,’ pero I had a feeling.
“So when she came to me she goes ‘Mom I have to tell you something,’ sabi ko ‘Okay.’ Tapos feeling ko, ‘Oh my, ito na talaga ito, I think this is the day,'” sabi ni Jackie Lou.
Dagdag pa niya, “And then dumating na siya, pero siyempre may kasunod na girl. Pero nakatayo siya roon ng 15 minutes na walang sinasabi.”
Baka Bet Mo: Andre Brouillette ipinakilala sa socmed ang non-showbiz GF, netizens na-shookt: ‘Kamukha ni Lou!’
“Sabi ko ‘Rikki Mae, do you want Mama to tell you what I think you would tell me?’ Sabi niya ‘No mama, I have to do it, let me say it.’ ‘Okay’ Sabi niya ‘Mama I’m gay.’ Sabi ko ‘I know,'” pagbabahagi pa ni Jackie Lou.
View this post on Instagram
Dito na niya inamin na naiyak siya habang nag-uusap silang mag-ina, “I think I cried because I didn’t have to wonder and I was so thankful that she has the courage to tell me.’
“Because she was saying ‘Mama actually I was planning not to tell you na kasi feeling ko alam mo na.’ Pero iba daw pala talaga kapag sinabi mo, so I was very thankful that I knew it,” chika pa niya.
Paglalarawan pa niya sa kanyang anak, “So responsible, sobra. At sobrang maalaga niya. Parang siya ‘yung parent namin ng daddy niya.”
Samantala, nagbahagi naman si Tito Boy ng kanyang saloobin tungkol sa LGBTQIA+ community, “Alam niyo po kasi, nakabalot tayo roon sa paniniwala na dadalawa lang, either lalaki or babae and then if you’re not a guy or a woman, you are supposed to be less than who you are.”
Sabi naman ni Jackie Lou, nabanggit sa kanya ni Rikki Mae na may mga parents na hindi natatanggap ang pagpapakatotoo ng mga anak sa kanilang sexual preference, pero eventually daw ay nagbabago rin ang kanilang pananaw sa pagkakaroon ng beki o lesbian na anak.
“I think for parents that are having difficulty with it, Ricky nga ‘Ma for some parents kasi remember, even the first reaction is not a good one, meaning ‘Hindi ko alam kung paano kita tatanggapin, or matatanggap kita.’
“Sabi niya ‘It’s not naman na permanent reaction. After a while they might be more accepting.’ Kasi may ibang ‘Hindi ko kayang tanggapin ang anak ko kasi ano eh,” pagbabahagi pa ni Jackie.
View this post on Instagram
Dahil sa istorya ni Jackie, nagkuwento rin si Tito Boy tungkol sa kaniyang pamangkin na naramdaman na niyang isang lesbian.
“I don’t assume, I know.’ Dinadaan ko na lang sa ‘Ayaw mo bang mag-weekend, you wanna go somewhere with your girlfriend?’ Diretsa ako,” sabi ni Tito Boy.
Kasunod nito, nagkuwento rin si Tito Boy, tungkol sa kanyang personal na karanasan pagdating sa isyu ng pag-come out.
“Wala naman kaming coming out moment ng nanay ko. I lived with Bong (Quintana, ang kanyang longtime partner) all my life. Sobrang mahal at respeto ang ibinigay ng pareho sa isa’t isa.
“I understand Rikki, especially today. Sa ingay ng mundo natin, there are things that have to be said. Kasi liberating din sa kanila ‘yun, eh,” pahayag pa ni Tito Boy.
Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.