Anak nina Ricky at Jackie Lou nagpakitang-gilas sa PBB 10 audition | Bandera

Anak nina Ricky at Jackie Lou nagpakitang-gilas sa PBB 10 audition

Reggee Bonoan |September 30,2021
facebook
share this

Anak nina Ricky at Jackie Lou nagpakitang-gilas sa PBB 10 audition

Reggee Bonoan - September 30, 2021 - 04:25 PM

Rikkie Mae Davao at Ricky Davao

Rikkie Mae Davao at Ricky Davao

MUKHANG gusto rin ng ikalawang anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na si Rikkie Mae Davao na pasukin ang showbiz dahil nag-audition ito sa 10th season ng “Pinog Big Brother Kummunity” na magbubukas ngayong Disyembre.

Nauna nang pumirma sa Star Magic Black Pen Day ang bunsong anak nina Ricky at Jackie Lou na si Arabella o Ara nitong Hunyo, 2021.

Tatlo ang naging anak nina Ricky at Jackie Lou, sina Kenneth na may asawa na, si Rikkie Mae at Arabella.

Going back to Rikkie Mae, aliw na aliw kaming panoorin ang kanyang audition video na ipinost niya dahil napakamalumanay niyang magsalita sa kanyang Instagram account (@getyourfrikon) nitong Miyerkules ng gabi na umabot na sa mahigit 2,000 ang views.

Ang caption ni Rikkie Mae sa video, “When the world feels like it’s ending, what do you say? Hi, kuya  #PBBKUMUADULTS #a10angPBB #audition.”

Ang nilalaman ng video ni Rik, “Hi Kuya, ako si Rikkie, 28 years old from Quezon City.

“Tatapatan na kita kuya, dati mag-o-audition na dapat ako sa for That’s My Tomboy (segment sa It’s Showtime 2015) pero sabi ko dapat si Kuya muna ang mami-meet ko.

“Marami akong maiaambag sa Bahay mo Kuya. Ako ‘yung magiging all around housemate mo.

“May malungkot, mag-usap muna tayo. May nag-aaway, ‘guys, relax sayaw muna tayo ng disco.

“Ako ‘yung tipo ng tao na makiki-ride sa mga pangyayari at magsasalita kung may mali, minsan kenkoy minsan ding seryoso.

“And but it helps, mahilig din akong maghugas ng mga plato at kung hindi man Kuya, puwede rin akong standing host kung wala si Robi (Domingo), o di ba?

“Hope to meet you soon, Kuya Ingat!”

Habang pinanonood namin ay nakikita namin kay Rikkie Mae ang daddy niyang si Ricky na parehong-parehong ngumiti at magsalita.

Samantala, suportado naman siya ng mga taga-showbiz tulad nina Shyr Valdez na sinabihan siya ng “Go, go, go!”

Say naman ni Lotlot de Leon, “You’re so adorable Mae!” na marami ang nag like at sinagot naman ito ni Rik ng, “@ms.lotlotdeleon Thank you tita! Hehe.”

Sabi naman ng mommy niya, “Loveyou Meimeita! You are the cutest!”

May netizen mula sa ibang bansa ang nagsabing mas bagay siyang assistant ni Kuya kaysa maging housemate.

Ayon kay @silvestre.princess, “Mas bagay kang assistant ni Kuya! Watching po from Florida, pa shawdawt naman po jan.”

Mula kay @finmunoz, “Kenkoy cutie ng QC!”

Galing naman sa ninang Lyn Cruz ni Rikkie Mae, “Awww our inaanak! Love you Rikki Mae!”

At sabi ng netizen na si @Pipay Javier Zagala, “She is so cute!  Get her Kuya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga, gusto rin naming mapanood si Rikkie Mae sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending