Andre Brouillette ipinakilala sa socmed ang non-showbiz GF, netizens na-shookt: ‘Kamukha ni Lou!’
TILA nagulat ang maraming netizens matapos ipakilala ng dating “PBB Otso” housemate na si Andre Brouillette ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Maria Roselia Hernandez.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng actor-model ang ilang kuha ng kanilang sweet moments.
Kalakip pa niyan ang caption na, “I love this girl @mariayupz”
View this post on Instagram
Naging agaw-atensyon ang IG post ni Andre sa maraming netizens at umaani na ito ng libo-libong mga komento.
Baka Bet Mo: Rabiya ipinagpalit nga ba ang BF sa ex-PBB housemate na si Andre Brouillette?
Ang ilan, mukhang nawindang nang makita ang bagong love life ng aktor dahil ang sinasabi nila ay kamukha raw ito ng dati niyang girlfriend na si Lou Yanong.
Narito ang mga nabasa namin sa comment section:
“Huhu chineck ko account ni girl and ang daming similarities nila ni Lou [laughing face emoji].”
“Akala ko sa first pic si Lou! Akala ko nagbalikan na sila! [shocking face emoji]”
May mga fans naman ang dumepense kay Andre at sinabihan pa ang ibang netizens na mag-move on na.
Heto ang sabi ng ilang fans:
“Anong Lou pinagsasabi niyo e break na sila matagal na juskoooo naman!”
“You guys need to stop! They broke up, they’ve both moved on! let them be and it’s not fair for the new girl. She didn’t have anything to do with their breakup!”
Kung matatandaan, January 2021 nang kinumpirma ng ex-couple na sina Andre at Lou ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang official statement na ipinost nila sa Instagram.
“I’m saddened to say this but recently, Lou and I have come to a mutual understanding to move on from being a couple,” anunsyo sa social media dalawang taon na ang nakakaraan.
Paliwanag pa nila,“We realize we’re going on different journeys in our lives and no matter how hard we tried to make it work, it isn’t meant to be.”
Related Chika:
Rabiya ipinagpalit nga ba ang BF sa ex-PBB housemate na si Andre Brouillette?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.