Ryan Bang panay ang regalo ng concert tickets kay Paola Huyong?

Ryan Bang panay ang regalo ng concert tickets kay Paola Huyong?

Pauline del Rosario |April 19,2024
facebook
share this

Ryan Bang panay ang regalo ng concert tickets kay Paola Huyong?

Pauline del Rosario - April 19, 2024 - 05:11 PM

Ryan Bang panay ang regalo ng concert tickets kay Paola Huyong?

PHOTO: Instagram/@ryanbang

IBANG klase pa lang magregalo ang TV host na si Ryan Bang pagdating sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Ang madalas niyang ibigay ay concert tickets!

Mapapa-sana all ka nalang ‘diba mga dear ka-BANDERA readers.

Ang nakakatuwang rebelasyon ay ikinuwento mismo ni Ryan sa kanyang latest YouTube vlog kung saan ay nasa Japan ang couple upang manood ng “Eras Tour” concert ng sikat na international singer na si Taylor Swift.

Aba, bongga talaga! Talagang nagpunta pa sila sa ibang bansa para makitang mag-perform si Tay Tay.

Baka Bet Mo: Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Ayon pa nga sa TV host, para lang siya nanood ng concert sa Araneta Coliseum sa Quezon City dahil sa sobrang dami ng Pinoy na nagpunta roon sa concert venue.

Gayunpaman, bilib na bilib siya sa mga naging pasabog ng superstar sa bawat pagtatanghal.

“Ang experience ko sa Taylor Swift, para akong nasa Araneta. Ang daming kababayan natin,” sey ni Ryan sa vlog.

Dagdag niya, “Alam mo, sobrang galing pala ni Ms. Taylor Swift. Grabe ‘yung mga production numbers niya. Grabe. Bongga. Worth na worth na worth it!”

Nabanggit din ng Kapamilya star na umabot sa 48 songs ang mga kinanta ni Taylor.

“Tsaka hindi siya napapagod ‘no. Pangatlong night na ni Taylor Swift [sa Japan],” sambit niya.

At speaking of concerts, nakakatuwa ‘yung naikwento ni Ryan na panay concert tickets ang naibibigay niya sa kanyang dyowa mula sa first date nilang dalawa hanggang sa mag-porpose siya as dyowa, pati kahit sa pagdiriwang ng espesyal na okasyon.

“Ang first date naming dalawa, nanood kami ng concert ni Mommy Vice. ‘Nung nag-propose ako, sabi ko ‘will you be my girlfriend?’ [Tapos] binigay ko ticket ng Coldplay. Tapos birthday gift ko sa kanya, ticket ng Taylor Swift, so next birthday, gft ko sayo concert ni Kuya Ogie Alcasid,” chika ng komedyante.

Kwento naman ni Paola, “‘Nung sinabi mo na ‘let’s watch Mommy Vice concert,’ hindi ko alam na date na pala ‘yun.”

Ani ni Ryan, “Ah hindi mo alam? Para sa akin, date na ‘yun. May sariling undo ako eh.”

Matatandaan noong Agosto ng nakaraang taon nang ipinahayag ni Ryan ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at sinabing gusto niyang manirahan sa bansa at makapangasawa ng isang Pinay.

Makalipas ang ilang linggo, kinumpirma ng TV host na “in a relationship” na siya, pero hindi pa niya ito masyadong idinetalye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang dalawang buwan ay ibinandera ng couple ang first-ever public photos nila sa gitna ng kanilang Hong Kong trip kasama ang “It’s Showtime” hosts.

Magmula niyan ay madalas na silang makita sa mga Instagram posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending